Advertisers

Advertisers

Cherry Tiggo winalis ang Gerflor sa PVL

0 175

Advertisers

WINALIS ng Cherry Tiggo ang Gerflor Defenders, 25-19,25-20,25-18, Huwebes para sa kanilang ikalawang sunod-sunod na tagumpay sa 2023 PVL Invitational Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.

Pinamunuan ni Mylene Paat ang opensiba ng Crossovers sa kinamadang 15 points on 10 attacks, four blocks at one ace para umangat sa 2-1 win-loss rekord.

Czarina Carandang, Pauline Gaston at EJ Laure bumakas ng tig-7 puntos.



“Tulad ng sinasabi ko sa mga teammates ko lagi, hindi naman lahat ng puntos nakukuha sa spike, so kung kailangan magdagdag sa skills like blocks and service ace, malaking tulong na din yun sa teammates ko,” Wika ni Paat.

Ang Crossovers ay magkakaroon ng limang araw na pahinga bago bumalik sa court at nagtatangka na patatagin ang kanilang top two status sa Pool A kapag nakaharap ang PLDT sa Hulyo 18.

Dating UP standout Alyssa Bertolo pinamunuan ang Defenders sa iniskor na 15 points on 12 attacks at two blocks at one ace. Makakatous ng Defenders ang Cignal High Speed Hitters sa Sabado.