Advertisers
PATULOY na binabangko si Kai Sotto sa 2023 NBA Summer League ng muling mabigo ang Orlando Magic 82-80, sa New York Knicks sa overtime Huwebes (Manila time) sa Thomas and Mack Center sa Las Vegas.
Sa ikatlong magkakasunod na laro,ang 7- foot-3 Filipino center ay hindi nakapaglaro para sa Magic na nanateling winless sa kasing daming laban.
Sa iskor na 82 points sa extra regulation, Jaylen Martin nagtala ng game-winning floater para ibigay sa Knicks ang kanilang unang tagumpay sa Summer League para umangat sa 1-2 rekord.
QJ peterson nagdeliver ng five straight points para ilagay ang New York sa siguradong panalo, 80-77.
Charlie Brown pinamunuan ang opensa ng Knicks sa kinamadang 19 points,six rebounds at five blocks. Peterson nagtapos ng 16 points, nine rebounds, at five assists, habang si Martin nagdagdag ng 12 markers.
Ang Magic ay sumadal kay Howard, na nagpasabog ng apat na triples para sa 22 points.. Quinndary Weatherspoon may 17 points, seven rebounds, three assists, at three steals, habang si Anthony Black pomuste ng eight points, at 14 rebounds kabilang ang putback na nagpuwersa sa overtime.