Advertisers

Advertisers

NBA SUPERSTAR- LESS TEAM USA SA FIBA WC

0 160

Advertisers

PINAL na ang roster ng Team USA.Puro bata. magagaling na bagitong NBA players ang ipadadala sa mundial na giyera sa larangan ng basketball.

Walang partisipasyon at interes ng mga superstar na manlalaro mula National Basketball Association (NBA).

Op kors malungkot ang mga nag- aabang sa mga tinitingalang American hoop icons at nawala ang tsansang makikita ng personal ang tulad nina LeBron James,Steph Curry atbp.



Dahil dito, mahaharap ang liderato ng Federation of International Basketball Association (FIBA) at taga pangasiwang Samahan ng Basketball sa Pilipinas(SBP) sa biggest challenge sa pagdaraos ng World Cup na nakatakdang rumatsada sa Pilipinas, Japan at Indonesia mula Agosto 25 hanggang Septeyembre 10.

Ang naturang hamon para sa FIBA at SBP joint Management Committee na siyang inaatasan na mag organisa at tiyakin ang matagumpay na pagdadaos ng nasabing prestihiyosong torneo matapos na inilabas ng United State of America Basketball Feberation (USABF) ang opisyal na listahan ng manlalaro na siyang kakatawan sa Team USA, binubuo na pawang mga kabataan ang manlalaro ng NBA na sasabak sa WC.

Nagmula sila sa iba’t ibang koponan sa NBA ang naturang mga kabataang manlalaro, lahat ay pawang mga baguhan at unang salta sa international competition tulad ng World Cup .

Aminado si World Cup Joint Management Committee chief John Lucas, na isang malaking hamon sa panig ng marketing team sa aspeto ng paghikayat sa mga manonood at dayuhin ang mga laro at pagkuha mas higit na malalaking sponsorship na siyang mag eengganyo sa manonood.

“Its going to be very challenging introducing the young Americans to local and international basketball fans,” ani Lucas.



Sambit pa ni Lucas, lahat ng 12-man Team USA ay unang sasabak sa isang internasyunal na paligsahan at wala pa karanasan makapaglaro sa tulad ng World Cup.

Ang Team USA ay pinamumuan ni NBA Rookie of the Year Paolo Banchero, ng Orlando Magic. NBA Defensive Player of the Year na si Jaren Jackson ng Memphis Grizzlies, Brandon Ingram ng New Orleans Pelican, Austin Reeves, ng Los Angeles Lakers, Anthony Edwards, ng Minnesota Timberwolves, at si Tyrese Haliburton, ng Indiana Pacers.

Kasama din sina Jalen Bronson, ng New York Knicks, Mikal Bridges at Cam Johnson, na kapwa naglalaro para sa Brooklyn Nets, Bobby Portis, ng Milwaukee Bucks at Walker Kesler, ng Utah Jazz.

Maliban sa mga Amerikano, may mga ilang sikat na international players sa NBA, na nagpahayag na ng hindi lalahok at katawanin ang kani-kanila mga bansa sa nasabing torneo sa iba’t ibang mga kadahilanan. Isa si Nikola Jokcic, na pinagunahan ang Denver Nuggets sa kampeonato sa katatapos na NBA season.

Si Jokcic, na may taas na 6”10’, ay tubong Serbia, nagkuwalipika sa torneo at naka-grupo sa Group B kasama ang koponan ng South Sudan, China at Puerto Rico. Ang sabing grupo ay natakadang maglaro sa Araneta Coliseum.
Liban kay Jokcic, nai ulat din kamakailan ang Milwaukee Buck frontliner na si Giannis Antekompo, at nagpahayag din hindi nito palaro sa koponan ng Greece, na kasalukuyang nagpapa-galing sa isang knee-injury, natamo nya sa isang ensayo. Ang Greece ay nakahanay sa Grupo C, kasama ang Jordan, New Zealand at ang USA, nakatakdang maglaro sa Mall Of Asia (MOA).