Advertisers
ISANG taon palang ang administrasyong Marcos, Jr. pero napakarami nang naglalabasang kalokohan ng ilan nilang opisyales. Kapag kinonsinte ito ng Pangulo, lalala pa ito!
Tulad lamang nitong inilabas nilang bagong logo ng PAGCOR (Philippine Amusement and Gaming Corporation) na mistulang logo ng Petron (oil company) o tila sungay ng demonyo, pero P3 milyon daw ito! Eh mas maganda pa rito ang drawing ng apo kong 6 years old! Naalala ko tuloy ang drawing ng aktor na naging politiko, Leyte Representative Richard Gomez, na ari ng lalaki na pumulandit na pinagkaguluhan sa isang art show. Hehehe…
Samantalang napakaganda ng old logo ng PAGCOR na sumisimbolo sa pagkawang-gawa at nakatatak na sa isipan ng mga sugarol, tapos papalitan ng logo na hindi mo mabasa kung ano ang sinisimbolo nito. Fuck!
Yung nasabing logo ay gawa ng ‘di kilalang artist na nagngangalang Dopy Doplon, umano’y creative creator ng ArtOne Design and Communications Inc, ayon sa profile sa Facebook.
Sa notice of award ng PAGCOR, si Doplon ay proprietor ng Printplus Graphic Services, umano’y isang online platform na sumusuporta sa BBM-SARA campaign noong election period 2022. Ang online page na ito ay nag-a-award raw ng points sa kanilang mga miyembro na nagkakalat ng kanilang link at nangangalap ng mga bagong miyembro para manalo ng premyo. Now we know!!!
Dahil sa ‘di katanggap-tanggap na presyo ng bagong logo na ito ng PAGCOR, natabunan ang isyu ng P49-million promotional video ng Department of Tourism (DoT) na pinamumunuan ni Secretary Cristina Garcia-Frasco, anak ni Cebu Governor Gwen Garcia.
Mantakin mo, promotional video na kuha sa iba’t ibansa bansa na dapat ay sa Pilipinas, P49 milyon? Animal!!! Bagama’t hindi naman kalakihan ang kontratang ito, pero inilagay nito sa kahihiyan ang gobyernong Marcos.
Nag-leave of absence na si Frasco! Hindi pa nag-resign???
Mas malupit itong Philippine Coast Guard, bumili ng bullet proof Land Cruiser na nagkakahalaga ng P7.8 million para raw sasakyan ng kanilang Commandant, at 31 brand new Isuzu MUX LS-A SUVs na nagkakahalaga ng P58.9 milyon!
Dito sa P7.8 million Land Cruiser, ang katumbas nito’y 4 Toyota Fortuners na. You now what I mean, bayan.
Pero may palusot dito ang PCG, ang pinambili raw nila ng Land Cruiser at 31 MUX LS-A SUVs ay hindi galing sa kanilang regular na pondo kundi sa rebates ng Petron fuel.
In fairness naman sa BBM administration, itong isyu sa PCG ay nangyari panahon ng Duterte administration.
Nasa kanyang unang taon palang si PBBM pero napakarami nang kagagohang ginagawa ang kanyang appointees. Kapag kinonsinte nya lang ang mga ito, dahil mga nakatulong sa kanya sa kampanya, hindi niya malilinis ang pangalan ng Marcos na nabahiran ng grabeng korapsyon sa 21 taon na panunungkulan ng kanyang yumaong ama.
Yes!, President BBM…walisin mo agad ang mga basura sa iyong administrasyon. Sisirain ka ng mga letseng yan!