Advertisers
May kakaibang alok na libreng serbisyo ang tatlong prominenteng stakeholders na nagkaisang tulungan ang gobyerno para mas mapabilis ang pagpapaganda ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nang walang malaking gagastusin o kalugian sa panig ng pamahalaan. Wala ring kailangang taasan na terminal fees para sa mga biyahero.
Nagsama-sama pala ang veteran ground handlers dnata, Inc. (Philippine subsidiary ng United Arab Emirates’ dnata) at Philippine Airport Ground Support Solutions, Inc. (PAGSS), kasama ang Bureau of Immigration’s e-Gate provider Ascent Solutions Philippines, Inc., para mag-volunteer na lagyan ang NAIA ng automated biometrics at Common Use Self Service (CUSS) systems at equipment, kasama na ang self-service check-in at bag drop, karagdagang e-Gates at automated flight boarding.
Sa pamamagitan ng mga sistemang ito ay mababawasan ang processing time ng mga pasahero at kung masusunod ang panukalang implementation schedule ay inaasahan din na madadagdagan ang kapasidad ng NAIA Terminal 1 ng may dalawang milyong pasahero sa loob lamang ng tatlong buwan.
Matapos ang implementasyon ng anim na buwan, inaasahan na ang kapasidad sa departure sa Terminal 1 ay tataaas ng may apat na milyong pasahero kada taon at sa Terminal 3 naman ay aabutin ng walong milyon ang pagtaas, ani PAGSS President Janette Cordero.
Nagpahayag din ng reaction ang grupong nagsanib sa anila ay “inflated rehabilitation figures and proposed unnecessary upgrades” na ang gastos ay di maiiwasang babawiin o ipapasa sa mga pasahero, na ang layunin ng grupo ay ipakita ang NAIA ‘functionality’ hanggang sa ang ‘flagship’ New Manila International Airport ay magbukas sa loob ng di aabot sa limang taon.
Ang grupong ito na nagsama-sama para tulungan ang NAIA ay wala umanong sisingilin sa gobyerno o sa mga mananakay kapalit nag papagamit nila ng mga nabanggit na equipment.
Ani Cordero, nag-aalok din ang grupo ng mga serbisyo ng aviation experts pagdating sa airport operations at gayundin ng ‘optimization of runway capacity’ upang suportahan ang pagsisikap ng pamahalaan na dumiskubre pa ng mga paraan upang ma-decongest o mapaluwag ang NAIA.
Binigyang-diin ni Cordero na ang naturang mga sebisyo ay libre at hindi ikakarga sa pondo ng gobyerno at sa ngayon, inaabangan ng lahat kung papaburan ba ng pamahalaan ang alok na libre o kung ang Department of Transportation (DoTr) ay magpupumilit pa ring isuko ang control ng pangunahing airport real estate sa mga pribadong entities, sa kabila ng napakaraming kritisismo na nag-uugat sa mga nawalang kita ng gobyerno, gayundin sa panukalang pagtaas ng airport charges at kawalang-silbi ng paggastos para palawakin ang masikip nang single-runway airport.
“Having gained invaluable insight into NAIA from years of experience, we know with certainty that the main pain point of passengers, airlines, and airport users is congestion, long queues resulting in inconvenience. This issue can be satisfactorily addressed through automation,” ani Cordero.
Dagdag pa nito: “With the right guidance and the support of airport stakeholders, NAIA can be operated more efficiently, without over-spending or over-charging.”
***
Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.