Advertisers

Advertisers

Bea inuurot na palibre kay Dom sa concert ni Taylor Swift; David di bagay gumanap na Robin, kulang sa angas

0 138

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA kanyang Instagram account, hindi napigilang ipahayag ni Bea Alonzo ang kanyang excitement sa upcoming concert tour ng pamosong American singer-songwriter na si Taylor Swift.
May pa-outfit pa siyang idinisplay as if magiging bahagi siya ng Era’s tour ng tinaguriang most streamed at best-selling musician sa Spotify.
Dahil soldout na ang tickets ni Swift sa March 2, 3 and 4 next year sa Singapore, hopia naman ang aktres na makakakuha siya ng tickets sa additional playdates nitong March 7, 8 or 9.
Mula kasi nang ianunsyo ang sked ang leg ng tour ni Taylor, maraming Pinoy na kafaneyan ang na-disappoint dahil hindi kasama ang Pinas sa mga bansang kanyang pagtatanghalan.
Caption ni Bea: “Darling, I’m a nightmare dressed like a daydream ???
Totally excited about The Era’s tour in SG! Praying to get tickets though?????? Kahit saan ka pa, pupuntahan kita! ??????
Who can relate? #Swiftie”
Reaksyon naman ng kibitzers sa kanyang post.
“Im a Swiftie too! Kung meron dito sa Philippines I’ll watch talaga pero if I need to fly to SG, wag na bye hahaha ?? xx”
“Sama mo na lang ako kahit alalay mo.”
“Wow, slay it,girl.”
“Palibre ka kay Dom.”
“For sure, kasama si Dominic.”
“Good luck. I’m also a Swiftie.”
“Ang gastos pumunta ng Sg ??”
***
David, kulang sa ‘angas’
UMANI ng samu’t saring reaksyon sa mga kate-katera ang napabalitang pagsasama nina Barbie Forteza at David Licauco sa TV remake ng pelikulang “Maging Sino Ka Man” na pinagbidahan noon nina Sharon Cuneta at Robin Padilla.
Katunayan, maraming BarDa fans ang na-excite dahil muli na naman nilang mapapanood ang kanilang mga idolo pagkatapos ng matagumpay nilang team-up bilang FiLay sa “Maria Clara at Ibarra.”
May mga kinilig din at nagsabing bagay sila sa roles nina Monique at Carding na pinasikat sa nasabing romantic movie nina Shawie at Binoe.
Gayunpaman, marami namang kibitzers ang nagmamaldita ang nagdeklara na hindi bagay ang Pambansang Ginoo na bigyang buhay ang papel na identified sa dating Bad Boy of Philippine cinemas.
Pa-savage nilang giit, kulang daw sa ‘angas’ si David kung ikukumpara kay Robin.
Sosyaling Lasalista rin daw ang conyong Chinito actor kaya di ito bagay na maging dyologs sa serye.
May mga nagtatanggol naman kay David na humihirit na matalinong aktor ang Chinito charmer na kayang laruin ang requirements ng kanyang role.