COLEEN BABAWI SA ANAK NILA NI BILLY; SUNSHINE NAGBAGO ANG ISIP NA DI MUNA TATANGGAP NG ACTING PROJECT
Advertisers
Ni WALLY PERALTA
NAIKUWENTO ni Coleen Garcia na may mga naging desisiyon siya in the past na sana raw ay pinagbuhusan niya ng atensyon at panahon. Halimbawa na raw ang mga naging hobbies niya noon na malaki pala ang pwedeng maitulong sa kanyang showbiz career.
“Ako kasi very impatient and impulsive person kasi ako. So, throughout my life nagkaroon ako ng maraming hobbies. Nagkaroon ako ng maraming lessons, ganun,” say ni Coleen.
Anu-ano naman kaya ang mga hobbies niyang nasimulan na pero hindi pinagpatuloy?
“Na-try ko nang mag-piano, ballet. Ang dami kong hobbies – painting, mahilig din ako sa paining dati. Tapos parang sa sobrang impatient ko and impulsive wala akong… yung meron ako ngayon which Is more of humility to learn, parang pag naiinis ako, or napipikon ako sumusuko ako agad,” ani pa ng aktres.
Patuloy pa niya, “Tapos sinasabi ko, ‘Ay, hindi ko kaya.’ Hindi ko na lang ipagpapatuloy. Like dancing, hindi pa rin ako marunong sumayaw. Pero kung tinuloy ko siya, eh, di sana marunong na akong sumayaw. Hindi ko naman naisip na mapadpad ako dito sa entertainment industry.
So ayun, parang hanggang ngayon. Siyempre, we try to live with no regrets, di ba, pero iniisip ko na sana pinagbutihan ko noon. Sana naging masipag ako noon para I could reap the benefits now, di ba? Pero it’s never too late, yon yung mga bagay na puwede pa namang balikan, except yung pagsasayaw, medyo too late na yon. Hahaha.”
Sabi pa ni Coleen, babawi na lang daw siya sa kanyang anak don sa mga hindi niya nagawa noon.
”Babawi na lang ako thru Amari sa pagsasayaw. Nasa genes naman niya. Basta hindi niya makuha yung akin (paa),” natatawa niyang sabi.
***
WALA raw sanang balak tumanggap ng acting project ang Reyna ng Afternoon Prime at award-winning actress na si Sunshine Dizon, dahil mas gusto muna nitong mag-focus sa kanyang mga negosyo.
Pero nang mabasa niya ang script ng isang serye at nalaman na ang kanyang role na gagampanan ay na-inlove raw siya sa script at sa kanyang role kaya naman kinausap ang kanyang manager at tatanggapin niya raw ang nasabing project.
Masaya nga raw si Sunshine na makabalik sa afternoon prime, kung saan siya nag-reyna noong nasa Kapuso Network pa.
Kakaibang role raw ang kanyang ginagampanan sa nasabing serye, kumpara sa mga role na nagawa na niya, kaya naman daw super excited siya sa proyektong ito.
Sa kabilang banda, masayang-masaya at nagpapasalamat ang mahusay na aktres sa pagkilala sa kanya nitong 38th PMPC Star Awards for Movies Best Actress Category para sa mahusay nitong pagganap sa pelikulang “Versus.”