Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
MAITUTURING ni Lovi Poe na dream come true para sa kanya na makatrabaho si Carlo Aquino via Seasons, na kasalukuyang napapanood sa Netflix.
Noon pa kasi ay pangarap niya nang makatrabaho ang aktor.
Isa raw kasi si Carlo sa mga hinahangaan niya dahil sa husay nito sa pag-arte.
Nu’ng nakaka-eksena na ni Lovi si Carlo ay na-intimidate siya.
Kuwento niya, “It’s my first time to work with Carlo. To be honest, I used to watch G-Mik. I’m so intimidated doing scenes with Carlo, I couldn’t memorize my lines.
“Like, there’s a scene, na nandoon kami sa isang department store. Ang dami-dami kong sinasabi because Charlie is so talkative, ayun yung character niya.
“So, I’m so intimidated na ‘yung isang tao na gusto kong makatrabaho, number one na napakahusay, and then pinapanood ko growing up, kaeksena ko na siya ngayon.
“And I was, like, ahhh, the stress and anxiety.”
Dumating naman daw sa punto na unti-unti ay naging kumportable na si Lovi na katrabaho at kaeksena si Carlo.
“I think that’s what’s nice about someone who’s been there in the industry talaga, they know how to make you comfortable, and plus he’s so very friendly. Parang madadala ka sa scene with him.
“He’s effortless kasi, so what’s nice about him is that, you know, no matter how stressed I was, nag-jive kami because nadala rin niya ako.
“‘Coz that is what we need, we need that kind of feeling together especially as partners.
“And not just any like a kinda partner, we’re best friends here. You know, you have to show that closeness and, yeah, I’m happy that he made me feel comfortable,” aniya pa.
***
SA guesting ni Isko Moreno sa Updated with Nelson Canlas podcast na lumabas din noong Huwebes, tinanong siya ni Nelson kung nagpatay rin ba siya ng cellphone o gadgets noong unang pagpasok niya sa noontime show na Eat Bulaga, na dating hinu-host nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Allan K, Maine Mendoza, Alden Richards, Jose Manalo, Wally Bayola, Ryan Agoncillo at Paolo Ballesteros.
Ito raw kasi ang ginawa ni Paolo Contis at iba pang bagong hosts ng Eat Bulaga,kung saan isang linggo raw silang hindi nag-social media dahil sa bashing.
Ayon kay Isko, hindi niya ito ginawa.
“This is democracy. And I don’t wish ill things about others,” sabi niya.
Patuloy niya, “Again and again, as you can see last July 1, we even congratulated TVJ for having a home in giving opportunity to others.
“And now mas maganda ang noontime show ng ating mga Kapuso or ng ating mga kababayan for that matter dala ng marami na silang choices, parang buffet na.”
Ayon kay Isko, maganda raw ang healthy competition dahil ang panalo rito ay ang viewers.
Hindi raw sila nagwi-wish ng masama sa kakumpitensiya nila.
So more competition, healthy competition. And we don’t wish for somebody to fail, like you shut down, you close down, I don’t like that.
“You know, If I may share to you and to your viewers, you know, pansinin mo, ha, I don’t know kung ako lang ito, pero feeling ko marami na nakapansin nito, why Korea…
“I can honestly say that Korea, next to Bollywood, competing with Hollywood, and Korean TV and movies, culture, are being introduced to the world.
“And in fact, Koreans or K-Pop gains so much economic growth to the country.
“Maybe, ito lang assumption ko, maybe they support each other, maybe they compete among each other but they don’t wish for others to fail, defeated, because nag-grow yung television industry, movie industry.
“BTS alone gave 5 billion dollars every year to the Korean economy.
“So, ibig sabihin, in our case, going back to our country as Filipino, movies and TV, the least thing that we can do is to compete but not to inculcate hate,” ani pa ng daddy ni Joaquin Domagoso.