Advertisers

Advertisers

Paolo kukumbinsihin si Jimmy na makasama sa ‘Eat Bulaga’ ng Tape

0 200

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA YTC ng ex-manager ni Vice Ganda, sinabi nito na hindi na pala muna ito gagawa ng movie na entry sa taunang MMFF.
Ilang taon ding may entry si Vice sa MMFF at this year ay tila pahinga muna si Vice sa pagsali sa nasabing festival.
Gusto raw ni Vice na kung gagawa ng film ay sa November ipalalabas.
Noong 2016 ay naka-jackpot at tumabo raw sa takilya ang movie niya.
Kaya kung gagawa man siya ng pelikula ay gusto nito na di isali sa Metro Manila Film Festival at sa Nobyembre ang pagpapalabas.
Pero mahaba pa raw ang panahon at baka magbago pa ang desisyon ni Vice.
***
MAGKASAMA ngayon sa isang location shoot outside the country sina Paolo Contis at Jimmy Santos. Matagal din niya nakasama si Jimmy sa Oki Doki Doks ni Aga Muhlach.
Naglagay pa nga ito na na-miss niya ang kanyang Tito Jimmy.
Nasa Australia si Paolo kasama ang mga dating cast ng Tabing Ilog na sina Patrick Garcia at Kaye Abad.
Ito ang comeback ni Patrick mula nang mawala ito sa limelight.
Natanong kay Paolo kung napag uusapan ba nila ang isyu sa Eat Bulaga at posible bang makasama niya si Jimmy sa show.
Ta-try daw nito na mag guest si Jimmy pero never daw nila napag usapan ang isyu regarding sa Eat Bulaga.
At knowing na matagal na naging Dabarkads si Jimmy sey pa ni Paolo.
Well, abang na lang na baka biglang bumulaga si Jimmy sa Eat Bulaga, ano naman kaya mase-say ng TVJ if ever?
Well, well, well…’Yun na!