Advertisers
BIGLA na lang napunta sa bansa ng mga singkit ang dating Pangulong Rodrigo Duterte na kung tawagin ay Tatay Digong na hinarap naman ng kasalukuyang Pangulo nito na si Xi Jinping.
Tahimik ang pagpunta ni Tatay Digong kaya nasabi natin na bigla na lang siyang nakita na kausap nang harapan ang lider ng dambuhalang bansa ng Tsina gayung alam ng taumbayan na siya ay nasa Davao City lamang.
Mula nang bumaba sa kanyang trono ang Tatay Digong sa Malakanyang ay madalas na lang itong nailalabas sa publiko ang mga bidyo o litrato sa kanyang payak na bahay at pamumuhay.
Ipinamalas nito sa taumbayan na tapos na ang kanyang termino bilang Presidente ng bansa sa loob ng anim na taon at hindi tulad ng iba ay mahilig pa rin umeksena kahit wala na sa trono.
Binanggit na ni Tatay Digong noon na nagawa na niya ang kanyang tungkulin sa bayan mula sa paggiging piskal hanggang sa Malakanyang bagaman nakulangan pa rin siya sa panahon nang dahil marahil sa kanyang edad.
Nabalita pa [nga] na pinatatakbo siya bilang Bise Presidente noong nakalipas na halalan dahil tiyak daw na mananalo pa ito subalit nagpaubaya na ang Tatay Digong sa kanyang anak.
Ang totoo ay tinanggap na ni Tatay Digong nang taas-noo ang kanyang pagreretiro sa pagbibigay ng serbisyo sa taumbayan nang matapos na ang kanyang termino bilang Pangulo.
Subalit sa paglabas nito sa publiko na kausap ang Xi Jinping ay natitiyak natin na hindi pasyal o lakwatsa sa China ng isang dating Pangulo kundi isang trabaho o serbisyo muli ni Tatay Digong para sa mga Pinoy.
Mulat naman tayo sa mga nagaganap ngayon sa pagitan ng Tsina at Pinas kabilang na ang Taiwan, Estados Unidos at ibang pang bansa sa usapin ng teritoryo lalo na sa karagatan ng West Philippine Sea.
Huwag [din] natin kalimutan na maayos ang relasyon at komunikasyon noon nina Xi Jinping at Tatay Digong kaya maituturing na opisyal ang pagtungo roon ng ating dating Pangulo – may pakay ito, serbisyo muli para sa ating Inang Bayan.
***
Para sa komento o suhestiyon: eksperto1971@gmail.com