Advertisers

Advertisers

Dela Cruz nanawagan sa LGUs maglaan ng pondo para sa climate action

0 167

Advertisers

TUGUEGARAO, Isabela — Kasunod ng ulat mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ukol sa under-utilization ng development funds ng karamihan ng local government units (LGU), nanawagan si Climate Change Commissioner Albert Dela Cruz sa local chief executives na magsagawa ng inisyatibo para sa pagpapatupad ng climate action sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo na susuporta sa mga proyektong tutugon sa banta at epekto ng climate change.

Una rito, hiniling ni DILG provincial director Farah Gentuya sa mga provincial at local government unit sa Negros Oriental na palawigin ang paggamit ng kani-kanilang development funds makaraang mapag-alaman na ‘under-utilized’ ang 20% ng nasabing pondo ng nakaraang taon.
Kabilang sa mga inisyatibong dapat sana’y napondohan ay disaster response at mga programa may kinalaman sa climate action na magsusulong ng mitigation at adaptation sa mga epekto ng nagbabagong klima at global warming.

Bilang reaksyon sa nabanggit na datos, binigyang diin ni Dela Cruz ang kahalagahan ng pakikiisa ng mga LGU sa laban ng pamahalaan kontra environmental degradation na nag-uugat mula sa mga human activity tulad ng mismanagement ng waste disposal, deforestation, walang tigil na polusyon ng ating mga water system at pagbalewala sa epekto ng greenhouse gas (GHG) emission.



Aniya, napapanahon na para seryosohin ng LGUs at ng kanilang mga ehekutibo ang pandaigdigang krisis bago maging huli ang lahat. (Tracy Cabrera)