Advertisers

Advertisers

KAP JR, BABALIK ANG SERBISYO SA BGY. SAN ANTONIO

0 200

Advertisers

MAPALAD ang mga kabataan sa Bgy. San Antonio sa Parañaque City dahil sa napipintong pagbabago ng liderato na ang papalit ay isang batang lider na kabisado ang kanilang pulso upang maging mabuting mamamayan ng kanilang komunidad sa aspeto ng livelihood,socio sibiko,sining, teknikal,kultura at SPORTS.

Libreng wifi,wantusawang uniporme sa mga paligang pang-sports,patimpalak sa mga naggagandahang binibining San Antonio, mobile paresan sa mga masisipag lakip ang puhunan, modernong tv monitor sa mga TODA terminal ng barangay, malinis na talipapa,maluwag na daluyan ng tubig sa drainage ng mga kalsada, proyektong imprastraktura, libreng ambulansya at mga nakangiting kawani ng barangay habang gumaganap sa kanilang tungkulin.

Iyan ay nagawa na niya at hihigitan pa ni dating Kapitan Jose Delima Sanchez na mas kilala ng kanyang naging constituents na KAP JR.



Sadyang napakaigsi ng 4 at kalahating taong termino ng kanyang pagiging isang mabuting pinuno sa larangan ng serbisyo.

Nang siya ay bumalik sa kanyang sinilangang San Antonio mula ibayong dagat, nanlumo siya sa nakitang matamlay niyang barangay at narinig na mga hinaing na nangangailangan ng major na operasyon upang bumalik ang sigla ng balana.

Aksiyon, tapat na serbisyo at political will lang ang kanyang pormula upang maging maengganyo muli ang Barangay San Antonio sa Lungsod Parañaque.

PEACE and ORDER ang kanyang susi upang magtagumpay ang misyon kung papalaring muli siya sa kanyang NOBLE na adbokasiya.

Ngayon pa lang ay silay na ang pag-asa ng mayoryang nais siyang ibalik sa pedestal ng pagiging mabuting ama ng Bgy. San Antonio.



Yan ang klamor ngayon..Sigaw nila mula bata ,adults hanggang sa mahal niyang senior citizens.

..KAP JR..KAP JR!…ABANGAN!

Lowcut: Belated birthday shoutout sa tanyag na sports figure partikular sa basketball executive team management na so Buddy Encarnado ( siya lang naman ang top brass ng Sta Lucia Realtors sa PBA noong huling tatlong dekada bago lumiban sa first play for pay na liga sa Asia.Sadyang dumadaloy sa kanyangdugo ang basketball kaya patuloy ang pagorganisa ng mga prestihiyosong liga tula ng battle of champions ng mga pangunahing kolehiyo at institusyon sa bansa gayundin ang namamayagpag na ligang NCRAA.May proposal na title ng liga na puwedeng iratsada ni sir Encarnado…Ang BUDDY League) Basketball United Divisions Developmental for YouthLeague)…ano say mo Pare Ted Cada? Hapi Buddy Sir!