Advertisers
PINALAKAS ni Janry Ubas ang kanyang bid para sa world championship berth matapos masungkit ang gold medal sa men’s long jump sa Motonet Grand Prix Pappeenranta sa Finland miyerkules,Hulyo 19.
Ang kasalukuyang Southeast Asian Games champion ay tinalon ang 7.86 meters sa kanyang second attempt upang pagharian ang event, nalagpasan ang hometown bet Kasperi Vehmaa at Australian Zane Branco.
Vehmaa ay nagkasya sa silver may personal best 7.75 meters habang si Branco ang nagbulsa ng bronze sa 7.70m.
Bukod sa panalo,ang world No.53 Ubas ay nakaipon rin ng 60 points para patibayin ang kanyang world ranking sa ginanap na qualification window para sa World Athletics Championship na nakatakda sa Budapest,Hungary sa Agusto 19 hanggang 27.
Bago pa yan, ang Misamis Oriental native ay tumanggap ng 90 points para malagay sa seventh sa nakaraang 25th Asian Athletics Championship sa Bangkok, Thailand.
Dalawa pang events ang naka lined up para kay Ubas— ang 16th Triveneto Meeting sa Trieste, Italy sa Hulyo 22 at ang Internationales Stuttgarter Leichtathletik-Meeting sa Stuttgart, Germany sa Hulyo 29.