Advertisers

Advertisers

2 pulis buking na adik sa confirmatory drug test

0 166

Advertisers

NAGPOSITIBO sa confirmatory drug test ang dalawang personnel ng Police Regional Office 6 sa Iloilo city.

Ayon kay Major Mary Grace Borio, spokesperson ng PRO 6, ang isang nagpositibo ay kabilang sa Negros Occidental Police Provincial Office at ang isa ay nagmula sa regional headquarters.

Ayon kay Borio, sisibakin sa serbisyo ang dalawang pulis ngunit tiniyak nito na dadaan parin ito sa kaukulang proseso.



Napag-alaman na umaabot sa 5, 821 police personnel mula sa Western Visayas ang isinailalim sa drug test bilang bahagi ng internal cleansing sa organisasyon kasabay ng pag-upo ng bagong direktor na si Brigadier General Sidney Villaflor.