Advertisers
PINATALSIK ni Alex Eala ang Chinese qualifier Mi Tianmi, 6-3,6-7,(5) para umusad sa quarterfinals ng W100 Vitoria-Gasteiz International Tennis Federation (ITF) tournament sa Spain Biyernes,Hulyo 21.
Ang unseeded Eala ay nakabawi mula sa mahigpit na second-set stumble ng pigilan ang kanyang katunggaling chinese sa deciding frame para dumikt sa titulo.
Isa siya sa tatlong unseeded players na umabante sa Final 8.
Ang panalo ang nagtakda kay Eala sa quarters date kontra Spaniards Lucia Cortez Llorca, na tumalo sa wildcard bet Lucia Llinares Domingo ng Spain,6-2,6-4.
Ito ang unang pagkakataon na magharap sina Eala at Llorca sa ITF pro circuit, na ang world No.406 Spaniards ay hinahanap ang kanyang unang pro singles crown.
Samantala, Eala at ang kanyang partner Marina Bassols Ribera ng Spain, kinapos sa kanilang quarters doubles match matapos yumuko sa France’s Estelle Cascino at Latvia’s Diana Marcinkevica,7-5,1-6,11-9.
Ang tagumpay ni Eala at Ribera ang magtakda sa kanila ng semifinals meeting kontra Thailand third seed Luksika Kumkhum at Peangtarn Plipuech, na nagpataob sa Poland’s Gina Feistel at Great Britain’s Emilie Lindh.