Advertisers
VIRAL ang isang lalaki na pinagdiskitahan at pinagbabaklas ang motorsiklo ng girlfriend nang tiketan ng pulis.
Kinilala ang lalaki na si Adi Saputra, isang Indonesian.
Hinuli umano si Saputra dahil sa hindi pagsusuot ng helmet subali’t nadiskubre na wala rin itong driver’s license at vehicle registration.
Ayon sa ulat, nakakulong na si Saputra at iniimbestigahan ng South Tangerang Police.
Kinasuhan si Saputra ng paglabag sa isang batas sa fencing nang sirain ang motorsiklo na hindi niya pagmamay-ari. Kapag napatunayang guilty sa paglabag sa Article 480 ng Criminal Code, makukulong ito ng hanggang apat na taon.