Advertisers

Advertisers

Magsasaka patay; Kapitan sugatan sa kidlat sa Quezon

0 80

Advertisers

NASAWI ang isang magsasaka at malubhang nasugatan ang isang barangay chairman nang tamaan ng kidlat sa Barangay Ilayang Nangka, Tayabas City, Quezon nitong Martes.

Kinilala ni Tayabas Police chief, Lt. Col. Bonna Obmerga, ang nasawi sa Tayabas Community Hospital na si Romeo Sayam, 30, ng nasabing lugar.

Nasugatan naman si Rowell Cabuyao de la Torre, 37, chairman ng Barangay Ilayang Nangka, na halos kalahati ng katawan ang nalapnos at kasalukuyang nakaratay sa ospital.



Bago ang insidente, sumilong ang dalawa sa resthouse na pag-aari ni De La Torre na nasa gitna ng palayan dahil biglang umulan na sinabayan ng pagkidlat na tumama sa mga ito 3:30 ng hapon.