Makati tanggap na ang desisyon ng Korte Suprema… TAGUIG IKINATUWA ANG PAGKILALA NG MAKATI SA SC DECISION, HANDA NA MAGTRABAHO PARA SA COORDINATED TRANSITION
Advertisers
TINANGGAP ng Taguig nang malugod ang pagkilala ng Makati sa pinal na desisyon ng Korte Suprema, at may layuning magtrabaho para sa maayos na paglipat sa hurisdiksyon ng mga pinagdesisyunang lugar.
Matapos ang matigas na pagtanggi na tanggapin ang tapos na desisyon ng Korte Suprema na ilipat ang hurisdiksiyon ng 10 barangay sa Taguig City, inihayag na rin ng pamahalaang lungsod ng Makati na igagalang at susundin nila ang desisyon.
Inilabas ni Makati Mayor Abby Binay ang pahayag ilang linggo matapos tanggihan ng Korte Suprema ang omnibus motion ng Makati na humihiling na payagang maghain ng pangalawang motion for reconsideration. Ang nasabing mosyon ay nagpapahayag na dapat itanggi ng korte ang sarili nitong deklarasyon na tapos na ang desisyon at payagan ang isang ipinagbabawal na kahilingan.
Bago pa ang pinakahuling resolusyon na inilabas noong Hunyo 2023, tinanggihan na ng Korte Suprema noong Setyembre 2022 ang unang mosyon ng Makati na humihingi ng reconsideration sa desisyong ginawa noong 2021 ng Korte Suprema na nagpapahayag na bahagi ng teritoryo ng Taguig City ang Fort Bonifacio Military Reservation, na kinabibilangan ng parcels 3 at 4, Psu-2031, kasama ang pinagtatalunang 10 barangay, sa pamamagitan ng legal na karapatan at historikal na titulo.
“Hindi pa kami nakakatanggap ng kopya ng nasabing desisyon ngunit nais kong linawin na igagalang ng Makati ang desisyon ng Korte Suprema,” sabi ni Mayor Binay sa isang video statement sa Facebook.
Ang pahayag na pag-amin ng Makati bilang partido na natalo ay nangangahulugan na natapos na ang dalawang-dekadang litigasyon na naglagay sa dalawang pinakamatagumpay na lungsod sa bansa sa isang court battle. Ang natitirang hakbang ay ang pagpapatupad ng historikal na desisyon na may malawakang epekto sa parehong lungsod.
Sa kanilang mga huling pahayag, tila nais ng dalawang magkapitbahay na LGUs na magkaroon ng maaayos na paglipat ng administrasyon sa mga nasabing teritoryo.
Sa kanyang video statement, inanunsiyo ni Binay na magko-coordinate siya at ang pamahalaang lungsod ng Makati sa mga kinauukulan at mga ahensya ng pamahalaang pambansa para sa isang mabisang paglipat.
Bilang tugon, naglabas ang Taguig City ng pahayag na nagsasabi na malugod nilang tinatanggap ang pag-unawa ng Makati sa bagay na ito at dapat itong maging daan para sa isang maayos na paglipat, na maiiwasan ang pagkawala ng serbisyo publiko.
Binigyang-diin ng Taguig na “handang maging responsable sa pamamahala” ng 10 barangay “na may parehong dedikasyon at malasakit na ipinamalas nito sa kanyang 28 na barangay.”
Gayunpaman, binigyang-pansin ng Taguig ang bahagi ng pahayag ni Mayor Binay na wala umanong kakayahan ang Taguig na magbigay ng mga benepisyong panlipunan sa mga residente ng 10 barangay, subalit ang katotohanan nito ay maaaring makakuha ang mga ito ng programa ng scholarship ng Taguig.
Tinawag ng Taguig na walang pagtitiwala at walang basehan ang mga pahayag na ito ni Mayor Binay, at walang kinalaman din ito sa pinal na desisyon ng Korte Suprema bagkus ay nagiging sanhi lang ng pagkabalisa at pagduda.
Sa halip, inilunsad nito ang paglikha ng isang joint transition team na magko-coordinate sa mga ahensya ng pamahalaan at lahat ng mga stakeholder para sa mabilis na paglipat ng administrasyon. Binigyang-diin na ang layunin dapat ay ang kapakanan ng mga residente at hinihikayat ang mga partido na isalabas ang kanilang mga salita sa mga gawang aksyon.