Advertisers

Advertisers

Misis binuhusan ng kumukulong tubig ng selosong mister

0 177

Advertisers

KULONG ang isang mister nang buhusan nito ng kumukulong tubig sa mukha at katawan ang misis noong Lunes sa Cebu City.



Kinilala ang biktima na si Fely Amandoron, nasa hustong gulang.

Naaresto sa follow-up operation kinagabihan ang salarin na si Elizar Amandoron, 43, pintor.

Sa ulat sa Camp Crame, nangyari ang insidente sa bahay ng mag-asawang Amandoron sa Sitio Kalapukan Colveta, Barangay Mambaling ng nasabing lungsod 6:00 ng umaga.

Kinompronta ni Elizar ang asawa sa nabalitaan nitong may kasama itong ibang lalaki.

Itinanggi ng misis ang paratang. Pero sa gitna ng kanilang pagtatalo ay kinuha ni Elizar ang thermos na kalalagay lang ng bagong kulong tubig at ibinuhos ito sa kanyang asawa.

Ayon sa biktima, kahit sobrang sakit dahil sa nalapnos nitong balat, nakatakbo ito sa labas ng bahay at humingi ng tulong sa kanilang mga kapitbahay na nagdala sa kanya sa ospital.

Nalapnos ang mukha, leeg, braso at dibdib ng biktima.