Advertisers

Advertisers

P7.5m shabu nakumpiska sa Cebu

0 177

Advertisers

BALIK-SELDA ang isang tulak ng iligal na droga nang madakip sa buy-bust operation at makuhanan ng P7.5 milyong halaga ng shabu noong Miyerkules sa Cebu city.



Kinilala ang nadakip na si Jake Merson Rafols Mercado, 33 anyos, ng Barangay Sawang Calero, Cebu City.

Ayon kay Colonel Ireneo Dalogdog, hepe ng Cebu City Police Office, maliban sa pagiging high-value individual ng suspek, isa rin itong gun-for-hire at labas-pasok na sa kulungan.

Sangkot si Mercado sa naganap na barilan sa Sawang Calero, at itinuro ito mismo ng biktima na siya ang ‘gunman.’

Sinabi pa ng pulisya, bago ang pagkakadakip sa suspek ay inupahan itong patayin ang dalawa katao sa nasabing lugar.

Idinagdag pa ni Dalogdog na nakukuha ng suspek ang mga iligal na droga sa isang preso sa Abuyog, Leyte maliban sa mga kontak nito sa Cebu city.

Unang nadakip ang suspek taon 2015 sa kasong illegal drugs at pagnanakaw, at nakalabas ito ng piitan matapos pagkalooban ng probation noong 2018.

Taon 2020 muling nadakip ang suspek sa kasong illegal drugs subali’t nakalaya rin ito ngayong taon nang makakuha ng plea-bargaining agreement ng gobyerno.