Advertisers

Advertisers

Alden feel si Joshua na gumanap sa life story sa ‘MPK’

0 209

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

SI Alden Richards ang bida sa month-long special episodes ng Magpakailanman na magsisimula na sa August 5 sa GMA.
Ang unang episode na mapapanood ay pinamagatang “A Runner to Remember: The Jirome de Castro Story.”
Kasama niya sa episode na ito si Sanya Lopez, na ididirek ni Neal del Rosario.
Ang iba pang episodes na mapapanood sa buong buwan ng August ay ang “The Lost Boy, Epal Dreamboy: The Richard Licop Story” at “Anak, Kapatid, Magulang: The Andrew Cantillana Story.”
Ang unang episode na ginawa ni Alden para sa Magpakailanman ay ang life story niya na ginawa pa nung taong 2013.
Papayag naman daw si Alden na magkaroon ng part two ang life story niya sa Magpakailanman, pero ang gusto niya ay iba na ang gaganap.
“Siyempre, sa journey naman po ng buhay, hindi naman lahat nagiging masarap ang journey. Lagi yan, kumbaga, yin and yang yan. In every good, there’s always a bad, and in every bad there’s always a good. It’s a cycle. It’s a continuous journey.
“Siguro po mas ma-appreciate kung iba yung aarte,” pahayagi ni Alden.
Nag-isip siya sandali nang tinanong kung sino ang gusto niyang gumanap bilang Alden Richards.
“Si Joshua Garcia, nasa GMA na, bakit hindi siya di ba?” sabi niya.
Marami naman daw siyang ibabahagi sa buhay niya ngayon sakaling magka-part two ang life story niya sa Magpakailanaman.
“Gusto ko pa sanang maging highlight naman kung magkaka-part two is… I want the episode to be a feel-good episode yet inspirational.
“Siyempre, sa journey naman po ng buhay, hindi naman lahat nagiging masarap ang journey.
“It’s a continuous journey.
“Kasi dun po, parang life story ko when we were kids, mahirap kami, condition po ng mom ko, towards her deathbed. Tapos nag-start mag-artista, etcetera.
“So, yung second part po, from that part, going na for where I am po now. Sana ganun,” sinabi pa ni Alden.