Advertisers
Ni BETH GELENA
WEDDING of the year ang kasal nina Maine Mendoza at actor-politician Quezon City Reprentative Arjo Atayde nitong July 28, 2023 sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel sa Baguio City.
Despite the heavy rains at malayo sa Manila ang lokasyon ng kasal, marami pa ring celebrities ang dumalo sa kasal ng dalawang personalidad.
Like Sheena Halili, Kristine Hermosa, Ciara Sotto, MJ Lastimosa, Maja Salvador, Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Naroroon din ang boyfriend ni Ria Atayde na si Zanjoe Marudo.
Makikita rin sina Ketchup Eusebio, Julius Babao at ang asawang si Tintin Bersola, Eric Nicolas at ang misis nitong si Ethel.
Ang mga nabanggit ay ilan lang sa mga dumalo sa masasabing Wedding of the Year ng ArMaine.
Nag-shine ang beauty ni Maine sa suot na simple pero napaka-eleganteng wedding gown.
Ang wedding singers ng bride and groom ay sina Nina Garido at Juris Fernandez.
Ang mga ninong ng couple ay sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak, Dreamscape Entertainment Head Deo Endrinal, House Speaker Martin Romualdez at Sen. Migz Zubiri.
Nasa listahan din nilang ninang sina
ABS-CBN COO for Broadcast Cory Vidanes, Quezon City Mayor Joy Belmonte at Maricel Soriano.
Bridesmaids sina Maja Salvador, MJ Lastimosa, Ciara Sotto, Kristine Hermosa-Sotto at Sheena Halili.
On the other hand, Enchong Dee and Joseph Marco were included on the list of groomsmen.
CONGRATULATIONS TO MR. & MRS. ATAYDE.
***
ALDUB FAN IGINIIT, MAINE MAY 3 ANAK NA KAY ALDEN RICHARDS
KASAL na si Maine Mendoza kay Arjo Atayde pero ang diehard AlDub fan ay hindi pa rin matanggap na nagpakasal na si Yaya Dub.
Viral ang post ng AlDub fan ng kanyang sentimyento sa Twitter.
Hindi siya makapaniwalang kinasal na ito kay Arjo.
Hanggang ngayon ay pinaniniwalaan niyang si Maine ay kay Alden Richards kasal noon pa.
Sey ng fan: “Sorry po I still stick to what I believe… I KNOW THE REAL NICOMAINE DEI MENDOZA IS MARRIED TO RICHARD FAULKERSON JR & THEY HAVE 3 KIDS…”
Dagdag pa niya: “MAY RESIBO AKO NYAN…. KAYA YOU CANT MAKE ME BELIEVE.. SARRY BASH PAMORE..”
Sabi nga ng ibang netizens, bakit ayaw daw magising sa realidad ang faney.
Masyado raw itong obssessed sa kalyeserye noon ng AlDub.
Sana raw ay gumising na sa katotohanan ang fan.
***
JAMESON GUSTONG KUMAWALA SA KAHONG GINAGALAWAN
GUSTONG i-explore ni Jameson Blake ang kanyang pag-arte sa iba’t ibang role bilang aktor.
Ayaw daw niyang nasa isang kahon na pare-parehong atake ang ginagawa.
Sana raw ay mabigyan siya ng pagkakataon na mabigyan ng challenging role para maipakita na may ibubuga pa siya sa akting.
Actually, mahusay na aktor si Jameson, pero totoo ang sinabi niya na kung mabibigyan pa siya ng malaking role, mas magiging malawak ang kanyang pag-arte.
Hindi naman daw siya choosy sa role na binibigay sa kanya kundi ang impact niya sa audience.
Wala raw siyang specific role na hinahanap kundi gusto lang daw niya ay something new.
“You never know baka yung bago na yun baka mas makakatulong sa akin,” ani Jameson.
Gusto raw niyang makatrabaho sa isang project sina Enrique Gil at Arjo Atayde tungkol sa brotherhood.
***
ARJO MAY TULA PARA KAY MAINE, SWAK BILANG MISTER AT MISIS
MAY binahaging tula si Arjo Atayde para kay Maine Mendoza na misis na niya ngayon.
Ang title ng tula ay “Cheers to Forever.”
“In a world where time dances swiftly by,
Where moments fade and memories die,
Let us raise a glass to a love so rare,
A bond unbreakable, beyond compare.
“Cheers to forever, where hearts entwine,
Where love’s flame burns with a light divine,
Through stormy seas and skies serene,
Together we stand, a united team.
“In laughter and tears, we find our way,
Hand in hand, come what may,
Through seasons of joy and trials we face,
Our love, a fortress, a sacred space.
“Cheers to the whispers in the night,
The gentle touch that feels so right,
With each passing day, our love grows,
In every breath, a love that overflows.
“Through the years, as wrinkles trace our skin,
Our souls entwined, a testament within,
With each passing milestone, we will see,
Our love shining bright, for eternity.
“Cheers to the promises we make,
A vow unyielding, never to break,
Through highs and lows, we’ll persevere,
For in each other’s arms, we find solace near.
“So raise your glass, let the champagne flow,
To a love that blossoms and continues to grow,
Cheers to forever, a journey we embrace,
With you by my side, my love, my eternal grace.”
Natuwa ang netizens dahil napaka-romantic daw pala ng anak nina Sylvia Sanchez at Art Atayde.
“Ayun! Lumabas pagiging poetic ni Arjo. Ganda.”
“Awww, that is so lovely!”
“Swak talaga silang 2 ni Menggay dahil mahilig din siya sa poems. Nakakakilig! Best wishes!”