Advertisers
DALAWA ang nasawi nang mahulog sa ilog ang isang Isuzu Forward Truck sa Sitio Napisulan, Barangay Sto. Niño, Talaingod, Davao del Norte nitong Linggo.
Kinilala ang driver na si Christofer Labial, 40 anyos, ng Kapalong, Davao del Norte.
Ayon sa Talaingod MDRRMO 5, nawalan ng kontrol ang driver ng truck ( MAL 6025) dahilan para dumiretso sa ilog at nahulog.
Sa sampung pasahero, lima ang nagtamo ng minor injuries, 3 ang nagtamo ng major injuries, at 2 ang nasawi.