Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
PARA sa Kapamilya actor na si JC de Vera, nagkaroon ng 360 degree turn ang kanyang buhay mula nang magkaroon siya ng pamilya.
Maliban sa trabaho, ang mundo raw niya ay umiikot ngayon sa kanyang pamilya at mga anak.
Katunayan, mula nang ipanganak ang una at ikalawang supling nila ng non-showbiz girl na si Rikka Cruz, mas naging ganado pa siya sa pagtratrabaho lalo na’t may rason siya sa pagpupunyagi sa buhay.
Sey pa niya, goal daw talaga niya ang magkaroon ng masayang pamilya at malulusog na mga anak.
Goal din daw nila ng misis na makagawa ng tatlong anak.
“Siyempre, ang wish talaga namin ay makagawa ng tatlo. And right now, kalalabas pa lang noong isa so di pa namin napag-uusapan. Hopefully in two to three years, may development na kung gagawa uli kami,” aniya.
Aminado rin siyang marami pa siyang natututunan as a parent na nagpapatatag sa kanyang pagkatao.
“Siyempre, hindi naman tayo perfect na parent. Nobody’s perfect. I try to be one at alam mo iyon, everyday, marami akong natututunan sa sarili ko. Sa pagiging good husband at good father. So iyong learning ng isang parent will never stop hanggang alam mo iyon, sa umalis na sa poder iyong mga anak ko,” hirit niya.
Pagbabahagi pa niya, nagpapasalamat daw siya dahil pinalaki nilang nakakaunawa ang kanilang panganay.
“I’m proud to say na iyong panganay ko is intelligent emotionally. Siyempre normal lang ang pagseselos pero it’s up to the parents kung paano mo tuturuan iyong mga bata. Kung paano mo siya aalalayan emotionally,” ani JC. “Nang lumabas iyong sister niya (referring to Lara Athena), she was very happy. Actually, siya iyong nag-request na magkaroon ng kapatid kaya pinagbigyan namin siya agad-agad. Right after the pandemic, sabi namin, yeah, gagawa kami ng kapatid mo. That’s why wala naman kaming naging problem,” pahabol niya.
Si Lara Athena rin daw ang nang-urot sa kanila ng misis na bigyan sila ng baby boy.
“Nakakatuwa na paglabas na paglabas ng baby sister, sabi niya, kailan daw naman kaya kami gagawa ng baby brother. Sabi namin, that’s not easy. Of course, we still have to plan. Ngayon nasa planning stage kami as to what’s gonna happen in the next three years,” tsika ni JC.
Proud naman si JC na sa kabila ng mga lipatan ng talents ay hindi siya nababakante sa mga acting project.
Si JC ay kasama sa pelikulang “Apo Hapon” na tumatalakay sa kuwento ng isang sundalong Hapon na si Kazuo Toro na miyembro ng Japanese Imperial Army na iniwan ang kanyang hukbo upang mamuhay kasama ang mga Igorot sa Norte at tulungan sa kanilang pamumuhay.
Sa nasabing pelikula ni Joel Lamangan, ginagampanan niya ang papel ng isang Igorot native, historian at consultant ng National Historical Commission.
Kasama rin sa cast ang Japanese actress na si Sakura Akiyoshi, Lianne Valentin, Fumiya Sankai (dating PBB constestant), Nella Dizon, Jim Pebanco, Marcus Madrigal, Rico Barrera at Prince Clemente.