Advertisers
HINOLDAP at pinatay ng mga kabataang lulong sa iligal na droga ang 65-anyos na magsasaka sa Negros Occidental nitong Sabado.
Kinilala ang biktima na si Vevancio Sumilhig, ng Kinabong 2, Barangay Igmayaan, Don Salvador Benedicto, Negros Occidental.
Sa ulat ng lokal na kinauukulan, pauwi na si Sumilhig, na unang nagtungo sa kanilang barangay center upang tumanggap ng senior citizen pension, nang hinarang ng mga salarin sa isang masukal na lugar, kinuha ang pera at binaril, sanhi ng kanyang agarang kamatayan.
Nagtutulungan na ang Don Salvador Benedicto Municipal Police Station at ang Negros Occidental Provincial Police Office sa pagtugis sa mga salarin.