Advertisers

Advertisers

Paolo inilantad ang tunay na may ari ng ‘Eat Bulaga’; Kabayan na-bash sa pagiging killjoy sa kasal ng ArMaine

0 106

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA finale ng TV Patrol ay masayang nag-congrats ang mga TV anchor na sina Kabayan Noli de Castro, Karen Davila, Bernadette Sembrano at Henry Omaga Diaz sa ginanap na kasalan nina Arjo Atayde at Maine Mendoza.
Hanggang nauwi na sa kasalan ni Karen na ibinunyag ni Ate B na sekreto ang pagpapakasal ng kasamahan.
Sabat naman ni Henry na paano raw ‘di secret ang kay Karen eh sa ibang bansa ito ginawa.
Sabay tawanan at nag-segway si Kabayan na habang may kinakasal ay may binabagyo at may parating pang isang bagyo na ang dadaanan ni Egay ay siya ring dadaanan ni Falcon.
Natameme ang tatlo sa pagbasag sa laugh trip nila regarding sa usapang kasal at buti na lang daw marunong sumalo si Karen at naitawid ang pumokus sa bagyo.
Doon na nga pinutakti ng pamba-bash si Kabayan na kesyo killjoy, tanders na, ‘di invited, etc. etc.
Nagkamali lang marahil si Kabayan sa transition ng usapang kasalan to bagyo.
Kaya pati pagiging VP nito rati ay nabanggit ng mga basher.
***
BUKOD sa bagong theme song ng Eat Bulaga ay nagbulalas na si Paolo Contis ng kanyang saloobin.
At dito nga niya inihayag kung sino ang tunay na may ari ng Eat Bulaga.
Buong ningning na sinabi nitong “tayong lahat ang may ari ng Eat Bulaga at naging bahagi tayong lahat ng EB.”
Dagdag pa ni Paolo ay inalmahan nito ang mga basher.
Inamin nito na totoo anya na wala silang ambag sa show at pati ang pagbansag sa kanila na Fake Bulaga.
Sinabi nito na ‘di fake ang kanilang paghahatid ng saya at tulong sa mga tao.
Sa pagdating daw ng panahon ay mag-iiba na ang mga host pero di naman mababago ang hangarin ng Eat Bulaga na magpasaya at tumulong.
Well, well, well…Yun na!