Advertisers

Advertisers

The Cheating Game,’ pinuri ng malalaking pangalan sa industriya

0 139

Advertisers

HUMAKOT ng positive reviews ang first ever movie nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz na ‘The Cheating Game’ na nagsimula nang mapanood sa mga sinehan noong July 26.
Mismong ang tinitingalang national artist na si Ricky Lee ay nagbahagi ng kanyang paghanga sa pelikula ng GMA Public Affairs at GMA Pictures. Hindi raw ito ang tipikal na “rom-com” dahil maraming hindi inaasahang twist na talaga namang nagpaganda sa pelikula.
Komento naman ni Direk Irene Villamor, ‘pak na pak na pak’ ang ‘The Cheating Game’ dahil hindi umano masusukat ang pelikula sa scale ng ‘Barbie’ o ‘Oppenheimer’ kundi sa karanasang Pinoy na Pinoy. Pinuri rin ng iba pang dumalong manunulat, bloggers, at movie critic ang mahusay na screen presence ng mga artista, pati na rin ang magandang kuwento at execution ng movie.
Hindi nagpatinag sa maulang Lunes ang mga supporter ng cast ng ‘The Cheating Game’ sa Red Carpet at Premiere Night sa The Block SM North EDSA. Pinangunahan ng JulieVer fans ang mainit na pagsuporta sa kanilang idolo na bida ng pelikula.
Syempre pa, full-support ang kapwa nila Kapuso artists na sina ‘Black Rider’ star Ruru Madrid; ‘Love is: Luv at First Read’ leads Mavy Legaspi at Kyline Alcantara; ‘Voltes V: Legacy’ star Neil Ryan Sese; at ang mag-asawang sina Rodjun Cruz at Dianne Medina.
Huwag pahuhuli at panoorin ang The Cheating Game sa paborito ninyong sinehan nationwide.
***
‘Dapat Alam Mo!,’ eere na ngayon sa GMA!
#DapatAlamMo na simula ngayong Lunes (July 31), mapapanood na rin sa GMA ang paboritong news magazine show ng mga Kapuso, ang ‘‘Dapat Alam Mo!,’ hosted by Kuya Kim Atienza, Susan Enriquez, at Patricia Tumulak.
Dahil parehong nasa GMA at GTV na ang programa, mas marami nang makakapanood ng mga latest, hottest, at trending na balita na talaga namang dapat alam ng mga viewers.
For sure, tuwang-tuwa ang lahat ng sumusubaybay at gustong sumubaybay dahil sa good news na ito. Kung ready na ang madla para rito, siyempre, ready na rin sa mas maraming audience sina Kuya Kim, Susan, at Patricia!
Wagi ang may alam kaya subaybayan ang ‘Dapat Alam Mo!’ sa GMA, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon bago mag-’24 Oras.’ Mapapanood pa rin ito sa GTV, Lunes hanggang Biyernes, 5:30 ng hapon.