Advertisers
NASAWI ang isang kasapi ng terosistang grupong CPP-NPA-NDF sa paghahain ng warrant of arrest ng mga atoridad na nauwi sa engkwentro sa Barangay Lutucan Malabag, Sariaya, Quezon, Linggo ng umaga.
Kinilala ang napatay na si Isagani Isita, 42 anyos, ng Barangay Banaba, Padre Garcia, Batangas.
Ayon sa Sariaya Police, hinainan ng warrant of arrest ng magkakasamang puwersa ng RMFB 4A, MIG 4, 1st QPMFC at Sariaya PNP para sa mga kasong murder, direct assault upon agents of person in authorithy, arson at kasong terorismo si Isita nang matunton ang kanyang pinagtataguan sa Quezon 5:00 ng umaga. Subali’t sa halip na sumuko, pinaputukan nito ang arresting unit gamit ang isang mahabang kalibre ng baril.
Gumanti ang mga awtoridad na nag resulta sa pagkamatay ni Isita.
Narekober mula dito ang dalawang high powered long firearms at mga bala.
Napag-alaman na lider din ang nasawi at humawak ng matataas na posisyon sa iba’t ibang militanteng grupo at organisasyon sa Batangas partikular ng Bayan Muna-Batangas, Defend – Batangas, ganoon din ng grupong Bayan.
Ang dalawang warrant of arrest nito ay para sa kasong murder mula sa mga korte sa Occidental Mindoro at Rosario, Batangas; at kasong arson sa korte sa Tanauan City ay pawang walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan nito.