Advertisers
Ni JOVI LLOZA
TILA nalihis na parang bagyo lang ang target place na honeymoon ng mga bagong kasal na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde.
Kung dati ay ang pag-stay nila sa preparation ng kasal sa Baguio ini- expect ng netizens na doon na gagawa ang bagong mag-asawa ng first love child nila.
Pero tila naudlot dahil a few days ago ay lumipad ang couple to attend sa kasal ng kaibigan na si Maja Salvador kay Rambo Nuñez sa Bali, Indonesia.
Kaya expect ulit ng solid Maine na sa Indonesia na talaga gagawa ng baby sina Arjo at Maine.
At finally after ng mga commitment nina Maine at Arjo sa Manila ay lilipad na sila pa-Europe.
Well, hopefully after long honeymoon at vacation sa Switzerland ay may laman na sanggol sa sinapupunan ni Maine para matuwa na si Lolo Art at Lola Sylvia at magkakaroon na sila ng apo.
***
PANSIN na tila enjoy na enjoy si Kathryn Bernardo na naispatang nagsasayaw sa reception ng kasal nina Maja Salvador at Rambo Nunez sa Bali, Indonesia.
As in siya pa ang parang lead ng mga sayawan sa venue after ng wedding nina Maja at Rambo.
Kaya tinutukso ang couple na Kathryn at Daniel Padilla na kailan naman ang kanilang ikasal.
Ngingiti ngiti lang ang KathNiel sa mga tukso na sila naman ang pakasal.
Kita sa KathNiel na tila di pa sila atat na magpatali sa isa’t isa at enjoy muna sila kung anong meron sa kanila.
Napansin ng netizens na tila lumagare ng kasal si Kathryn ngayong taon pero mukhang sa kasal ni Maja ito enjoy na enjoy.
Well, well, well…Yun na!