Advertisers

Advertisers

Matapos hiwalayan ang Indian bf… Nathalie ikinasal na sa dyowang Australian

0 174

Advertisers

Ni BETH GELENA

SA vlog ni Vice Ganda ay nagkatsikahan sila ni Andrea Brillantes habang nagmemeryenda.
Maraming tanong ang It’s Showtime host sa young aktres.
Tulad na lang kung nagsosoli ba siya ng mgs niregalong gamit sa kanya ng nakarelasyon.
Ani Blythe: “Hindi. Kasi binigay na yun eh.”
Pero hindi naman daw siya nagsisimental kundi nakaugalian na raw niya iyun.
Pero, may isang bagay din daw siyang binigay ng boyfriend na hindi niya alam kung ano ang gagawin.
Ani Vice: “di itapon mo kung ayaw mo ibalik o kaya ipamigay mo.”
Sagot ni Andrea: “ay ayoko nga. Ibebenta ko na lang may mapang-sho-shopping pa ako. Kasi kung ibabalik ko ipamimigay lang din yun sa iba,” natatawang sabi ni Blythe.
Nakwento rin ni Andrea na one month ago ay nag-travel siya sa Spain.
Dapat daw ay may kasama siyang mga kaibigan kaya nagpa-book din daw siya.
Sa kasamaang palad ay hindi siya nakasama sa mga kaibigan.
Kaya nang maalwan na raw ang kanyang skedyul ay sinabi ng kaibigan niyang mag-try siyang mag-travel mag-isa.
Ginawa naman daw niya at nag-enjoy siya.
Kaya tanong ni Vice: “Nangyari ba yan nang hiwalay na kayo?”
“Yes. Ako naman kasi madali lang maka-move on. Enough na yung one month akong parang na-stop na ang lahat pero hindi naman yung tipong nag-iiyak sa isang tabi. Madali akong maka-recover.”
Type mo pa rin bang mag-boyfriend ng isang basketbolista?”
“Hindi na. Kahit hindi siya basketbolista pahinga muna ako Meme Vice. Pahinga muna ang puso ko.”
***
IKINASAL na si Nathalie Hart sa kanyang Australian fiancé na si Brad Robert.
Ibinahagi ng sexy actress sa kanyang Instagram ang kanilang larawan ng mister.
Sa Sydney, Australia kinasal ang mag-asawa.
Taong 2022 nang naging engaged ang dalawa, years after breaking up ni Nathalie sa ama ng anak niyang si Penelope na isang Indian businessman na si Mayank Sharma.
“Can’t believe it’,” caption ni Hart sa larawan nila ni Brad.
Nagpa-abot naman ng congratulatory notes sina John Arcilla: “Congratulations Nat!”
Iza Calzado: “So Happy for you! Congratulations and best wishes!!!”
Ana Jalandoni: “Congratulations!”
***
JOEY UMALMA, ‘NAUNANG NAGPLANO SI MENGGAY KESA KAY EGAY’
UMALMA si Joey De Leon sa nagsabing di dapat nagpakasal sina Maine Mendoza at Arjo Atayde dahil bagyo.
Ani Joey sa Twitter. “Sa mga kababayan nating ume-epal na hindi raw dapat nagpakasal ang dalawang ito dahil binabagyo raw ang bayan.”
“Eto lang ang masasabi ko—-naunang nagplano sina Menggay kaysa kay Egay!”
“Wala silang kasalanan kundi ang unang limang letra ng “kasalanan”—-KASAL!”