Advertisers

Advertisers

ANDREA BRILLANTES, ‘SINISIW’ ANG PAGLIMOT SA EX-DYOWA

0 155

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

NAPATAWAD na ni Andrea Brillantes ang ex-boyfriend na si Ricci Rivero. Sinabi ito ng young actress sa kanyang panayam sa ABS-CBN. Dalawang buwan na ang nakalilipas nang maghiwalay sila at ayon kay Andrea ay hindi na siya galit sa ex-boyfriend.
Parang sa loob lang ng 2 buwan ay agad naka-move-on si Andrea? Tila hindi niya minahal nang todo si Ricci habang sila pa?
“Ay, hindi. Nagalit ako, no. Pero matagal na panahon na po `yun bago pa nag-trending ang lahat ng ito. Nakailang buwan na bago n`yo nalaman lahat, tapos na ako.
On the way na ako matapos sa lahat ng stages of grief. Nagkaroon po ako siguro ng one month talaga na mahirap para sa akin. Di ba, five stages `yun? Per week, ibang stage ako sa loob ng isang buwan na iyon.
Pero thank you, Lord kasi hindi ko po pinagdaanan yung depression kasi, di ba anger, denial. Bargaining, depression and then acceptance. Na-skip ko ang depression,” say ni Andrea.
Dahil sa nangyari ay marami raw siyang naging realization.
“Mas doon ko nakilala yung sarili ko, yung emotions ko. Masasabi ko pong nawawala talaga ang galit. Time heals everything. Thank you Lord. Ginawa niyang one week. Yung iba kasi years, buwan. After noon, nandiyan yung mga friends ko, fans ko, yung family ko na mahal na mahal ako, yung network ko.
Punumpuno ng pagmamahal kasi yung buhay ko. Wala na siyang space para sa galit pa. It is what it is eh, so, whatever. Ang laki-laki ng mundo, ang saya-saya mabuhay para lang mag-waste ng galit,” say pa ni Andrea.
***
FRANCHESCO MAAFI, THE NEXT NINO MUHLACH
MARAMING kids ang sumubok na sundan ang yapak ng child wonder actor noon na si Nino Muhlach, sobrang sumikat ng mga dekada 70, pero tila wala yata kahit isa ang nakapantay o lumagpas pa sa kasikatan ni Onin.

But wait, nitong Linggo ay ipinakilala at ni-launch into full stardom ang masasabi na rin natin sa ngayon na isang child wonder of showbiz, si Franchesco Maafi, para sa pelikulang “The Special Gift” na prodyus ng RC Gomez Entertainment Production ni Roy C. Gomez at sa direksyon ni Lawrence Roxas. Makakasama as support ni Choco, palayaw ng 11 years old boy Franchesco, sina Romina Cauilan, BJ Forbes, Migui Moreno, Malou Canzana, Mike Lloren at ipinakilala rin ang bagong ‘crush ng bayan’ na si Angelo Gomez.
At the age of 5 ay nakitaan na si Choco ng kanyang ina na si Raki Granada Alcantara, kaya nga nang magsimula itong mag-audition ay todo suporta ang ina, and true enough, mother instinct na hindi siya mapapahiya sa kanyang child wonder pag nag-audition ito.
Choco has appeared in many shows on GMA 7 such as ‘Beautiful Justice’; ‘Nakarehas Na Puso’; ‘Hearts on ice’; and in one episode of ‘Magpakailanman. This 10 year-old talented boy was also seen in many TV commercials.
The Special Gift is his first ever movie as lead child actor at dahil sa angking talento sa pag-arte at kakyutan ay hindi nagdalawang isip ang first time producer na si Mr. Gomez na gawin agad siyang bida sa first movie ng kanyang production.
Handpicked si Choco ni direk Lawrence at nirekomenda sa prodyu.
Ang movie ay ipalalabas na sa mga sinehan this coming Sept. 9 at balitang maging sa mga eskuwelahan sa buong bansa ay ipalalabas ito sa tulong na rin ng Department of Education.
***
JC DE VERA LAKING JOEL LAMANGAN
AYON sa Kapamilya actor na si JC De Vera, isa raw siya sa maituturing na Direk Joel Lamangan baby dahil bata pa lang siya noon ay nakatrabaho na niya ang beteranong direktor.
“Nakatrabaho ko si Direk on my first movie, yung ‘Mano Po (Ako Legal Wife)’, baby pa ako noon, and that was 2004. Tapos the next project na I got to work with Direk Joel yung ‘Babangon Ako’t Dudurugin Kita’. Tapos nagpunta kami sa TV5, yon yung ‘Valiente’, tapos itong movie na nga yung next,” kuwento pa ng aktor.
“So far so good naman. I didn’t have any bad memories with Direk. He’s a great teacher and disciplinarian. Itinuro niya sa akin talaga how to focus on your job and nothing else. Siguro, yon din talaga yung nabaon ko.
“You just be professional and do your thing at work. Siyempre, at a young age, di ba, I was in my 20s so alam mo yon, panahon ng kasagsagan ng mga kakulitan ng pagiging binata. Pero nagdire-diretso at that time kasi talagang tinuruan niya kami na we just have to focus on what we’re doing.
“And hanggang ngayon, yung level of focus na meron ako ngayon is because of Direk Joel,” paliwanag pa ni JC.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">