Advertisers
ISINUMITE ng administrasyon ni Bongbong Marcos sa Kongreso ang panukalang pambansang budget na P5.768 trilyon sa 2024. Mataas ito ng P500 bilyon, o 9.5 %, sa national budget na P5.268 trilyon sa 2023. Kinakatawan ng panukalang budget sa 2024 ang 21.8% ng tinatayang Gross Domestic Product (GDP), ang sukatan ng pinagsamang produksyon at serbisyo ng pambansang ekonomiya.
Nakalaan ang pera ng bayan upang pabilisin ang kaunlaran sa bansa, ayon kay BBM. Abot sa P2.156 trilyon ang nakalaan sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE), P1.965 trilyon ang para sa suweldo at benepisyo ng mga empleyado sa gobyerno kasama ang mga sundalo at pulis, at P2.183 trilyon ang nakalaan pondo para sa social services kasama ang kalusugan, edukasyon at kultura.
Mahalaga ang pambansang budget sapagkat salamin ito ng polisiya at prayoridad ng gobyerno sa buong taon. Nilalaman nito ang programang dapat isakatuparan ng gobyerno sa susunod na taon. Hindi pa nailabas ang nakalaan sa bawat sangay bagaman inaasahan na pinakamalaki ang budget sa Department of Education (Deped).
Walang problema sa mga gastusin na inilaan ng gobyerno. Hindi nakakatuwa ang budget na inilaan ngunit kulang sa kakayahan ang nakaupo. Tulad ng edukasyon, hindi alam ni Sara kung ano ang gagawin. Mabuti’t nilinaw ni BBM ang direksyon ng Deped sa gobyerno. Popondohan ang malaking bahagi ng pambansang budget ng mga utang mula sa loob at labas ng bansa.
Hindi nakakatuwa ang mahigit sa isang bilyong piso na inilaan ng Kongreso sa magastos ngunit walang kapararakan na confidential at intelligence funds sa Deped at OVP. Iminumungkahi namin na tapyasan ang budget ng OVP at Deped sa aspetong iyan at dalhin sa serbisyo tulad ng edukasyon at kalusugan. Maiging tanungin siya ng mga mambabatas kung bakit mahilig siya sa redtagging o pagbintangan ang mga guro ng pakikipag-ulayaw sa mga komunista.
Malalaman natin ang mga usapin sa pambansang budget sa sandaling umpisahan ng Kongreso ang mga public hearing. Malalaman natin kung alin ang mga kagawaran at ahensya ng gobyerno ang hindi tumutugon sa kanilang mandando sa ilalim ng batas at ang mga opisyales na nagpapabaya sa tungkulin. Inaasahan namin na magigisa ng todo-todo si Sara.
***
BATAY sa pahayag ni Senadora Risa Hontiveros, nagkaisa ang buong Senado maliban kay Alan Peter Cayetano sa walang habas na pagpasok ng mga sasakyang pandagat ng Tsina sa West Philippine Sea. Kahit ang mga pro-Tsina na tulad ni Bong Go, Robin, Bato, at Francis ay walang nagawa sa kagustuhan ng maraming senador. Kunsabagay, wala silang magagawa dahil pawang mas magagaling sa kanila ang ibang senador. Narito ang pahayag ni Risa:
This bipartisan effort tells the Filipino people that when it comes to matters of national sovereignty, we will never be bullied into submission. In the face of relentless China propaganda since last week, we held our ground. Sa kabila ng mga fake news at kasinungalingan para mapigil ang pag-adopt, we stood firm.
Isang napakahalagang tagumpay ito hindi lang ng Senado kundi ng buong Pilipinas. The Senate crossed party lines to stand unified for our country. I would especially like to thank my Minority Leader Senator Koko Pimentel for his advice and support, and I would also like to especially thank Senate President Migz Zubiri for helping us reach a consensus on a resolution that strongly captures the anger and frustration of the Filipino people.
Isang malaking pasasalamat din sa Department of Foreign Affairs at National Task Force on the West Philippine Sea sa kanilang oras at panahon para matiyak na maayos at naaayon ang resolution sa mandato naman ng Ehekutibo. The fight against China’s reckless behavior in the West Philippine Sea does not end here. Tuloy ang laban.
***
NAGPAKITA si Gongdi kay BBM sa Malakanyang noong Miyerkoles ng gabi. Kahit maulan, sinadya ni Gongdi si BBM. Mistulang mensahero ni Xi Jinping si Gongdi ng ilahad niya ang nais ng Beijing tungkol sa usapin ng pangangamkan ng Tsina sa teritoryo ng Filipinas. Hindi itinago ni Gongdi na kampi siya sa Tsina dahil sinabi niya na hindi natutuwa ang Beijing sa alyansang militar ng Filipinas sa Estado Unidos.
Nakinig sa kanya si BBM. Sa huli, nginitian lang si Gongdi. Walang kasunduan, walang pangako, walang commitment si BBM sa kanya at sa Tsina na kinakatawan niya. Plantsado ang alyansang militar sa pagitan ng Filipinas at Estados Unidos. Hindi ninombrahan ni BBM bilang special envoy ng Filipinas kay Xi, isang mungkahing iginiit ni Alan Peter Cayetano.
Sa maikli, palpak ang misyon ni Gongdi at Cayetano. Pinagbigyan lang si Gongdi kaya hinarap ni BBM. Hindi nila nabola si BBM sa kagustuhan ng Tsina. Kung tuuusin, walang pakinabang at silbi si Gongdi kay BBM at bansa at pinagreretiro na siya. Laos at mukhang sakitin na.
Kumalat ng hugong na tumakas si Gongdi dahil sa balita na dadakpin siya ng ICC kaugnay sa sakdal na crimes against humanity. Nagdesisyon kasi ang ICC na tuloy ang formal investigation kay Gongdi at mga kasabwat sa patayan kaugnay sa sakdal na crimes against humanity na iniharap laban sa kanila.
Nabalita na humingi si Gongdi ng political asylum sa Tsina. Kilalang aso ng Tsina si Gongdi at mas kampi siya sa Tsina kesa Filipinas. May poder ang ICC na magbaba ng order na dakpin si Gongdi sa sandaling sumapit ang yugto ng formal investigation.
Hindi natin alam kng ano ang nasa isip ni BBM kapag bumaba ang order na ipadakip ng ICC si Gongdi. Hindi kami magtaka kung ibigay ni BBM si Gongdi. Sa ngayon, walang ibinabang order si BBM upang pigilin ang pagdakip ng ICC kay Gongdi. Mukhang tuloy-tuloy ang imbestigasyon at hindi ito mapipigilan ni Xi at Gongdi.
**
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “I will pursue my advocacy against the profligate allocations for Confidential and Intelligence Funds in the President’s 2024 National Expenditure Program (NEP), the excess fat of which must be excised and reallocated to socioeconomic services, particularly education and health.” Rep. Edcel Lagman
“The superior individual, whether in politics, literature, science, commerce or industry, plays a large role in shaping a nation, but so do individuals at the other extreme— the failures, misfits, outcasts, criminals, and all those who have lost their footing, or never had one, in the ranks of respectable humanity. The game of history is usually played by the best and the worst over the heads of the majority in the middle.” – Eric Hoffer in “The True Believer”
“Two things are infinite: the universe and human stupidity; and I’m not sure about the universe.”-Albert Einstein
***
Email:bootsfra@yahoo.com