Advertisers

Advertisers

COCOLIFE, DUMPER AT UST TIGERS

0 142

Advertisers

BIGYANG-daan ang pag-entra ng mas mabangis na UST Growling Tigers sa paparating na Universities Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 86.

Kasangga na ng UST para sa misyong maugong at mabungang kampanya ng winningest team sa UAAP, ang COCOLIFE at Dumper .Ito ay sinelyuhan ng pormal na galamano (handshake) at lagdaan ng Memorandum of Agreement (MoA) ng mga matataas na opisyal na kumakatawan sa mga naturang institusyon at organisasyon.

“Matapos ang mahaba-habang deliberasyon, kasangga na natin ngayon ang greatest (not oldest) unibersidad sa bansa na University of Santo Tomas at ang buong UST community.” pahayag ni Cocolife SVP Joseph ‘Otep’ Ronquillo.



Malugod namang itinanghal ni UST Rev, Fr. Rodel Cansancio OP ang latest development na aniya ay lalo pang magpapataas ng determinasyon ng Growling Tigers sa kanilang misyong panibagong kampeonato sa pakikipagtulungan ng kanilang bagong kasanggang Cocolife at Dumper. “Hear us roar once more next UAAP season.”

“Ang Cocolife ay ‘winning ‘ na naging tradisyon na sa ating pagsuporta sa mga sports sa bansa partikular sa basketball. Tradisyong isinulong ng aming pangulong si Atty. Jose Martin Loon kaya patuloy ang winning tradition hanggang collegiate sports,” sambit naman ni EVP Elmore Ornelas sa panayam na katuwang din sa Cocolife sports program system si VP Rowena Asnan.

Si (Ret) Col. Ariel Querubin, fitness ambassador ng Cocolife ang siyang lumagda ng MoA para sa Cocolife habang si Fr. Cansancio para sa UST at Bhong Baribar para sa Dumper.

Dumalo rin sa seremonya ang juniors team ng UST sa pangunguna ni coach Manu Iñigo player Lanze Ronquillo at iba pang Cubs.

LOWCUT:Shoutout to UNWRAPPED DINER ..really a place to be especially Kuya Angelo and Lailanie Manalo,Jomar Basit,Febie Myca Dungca,Katrin Braza and Christian Pornelos diyan sa BF Parañaque.



CHEERS!