Advertisers

Advertisers

Confi at intel funds ipinagtanggaol ng DBM… P1.4-B PONDO INHIRIT PARA MGA BIYAHE NI PBBM

0 106

Advertisers

AABOT sa P1.408 bilyon ang badyet na inihihirit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Kongreso para sa kanyang local at foreign trips sa taong 2024.

Sa press briefing sa Malacañang, ipinaliwanag ni Department of Budget Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na ‘justified’ naman ang hirit na dagdag pondo ng presidente.

Isiniwalat ni Pangandaman na batay kanilang 2024 proposed budget, ang pondong hinihingi ng pangulo ay mataas ng 58 porsyento kumpara sa P893.87 milyong pondo para sa taong kasalukuyan.



Ayon kay Pangandaman, may mga state visit at investment roadshow ang biyahe ni Pangulong Marcos.

Aniya, layunin ng mga biyahe ni PBBM sa ibayong dagat na ipakilalang muli at mailagay sa mapa ang Pilipinas bilang investment hub.

Maliban dito, nilinaw ni Pangandaman na hindi lang naman ang pangulo ang bumibiyahe kundi maging ang kanyang economic managers na nakatutulong upang makahikayat ng mga dayuhang negosyante para mamuhunan sa bansa.

Matatandaang labing-apat ang naging biyahe ni Pangulong Marcos sa labas ng bansa mula nang maluklok sa puwesto noong nakaraang taon.

Samantala, ipinagtanggol naman ng DBM chief ang inilalaan nitong alokasyon para sa confidential at intelligence funds ng Office of the President (OP) at iba pang ahensya ng pamahalaan. (Gilbert Perdez)