Advertisers
MAGPAPAHINGA lamang ng ilang araw ang Philippine womens’ Football team na Filipinas bago sumabak sa ensayo.
Nitong Miyerkules ng hapon ay dumating ang koponan matapos ang kaniyang makasaysayang paglahok sa FIFA Women’s World Cup sa New Zealand kung saan nagtala sila ng kasaysayan ng talunin ang host country.
Sinabi ni Belay Fernando-Dela Cruz, ang namumuno sa women’s football team, na nakarekober na sila sa kanilang pagkatalo at labis silang nagpapasalamat dahil sa mainit pa rin ang pagtanggap ng mga kababayan sa kanila.
May ilang araw silang magpapahinga at saka babalik sa ensayo para sa Asian Games na gaganapin sa China sa buwan ng Setyembre ganun din ang second round ng Olympic Qualifiers ngayong taon.
Nauna rito ay nagpasa ng resolusyon ang House of Representatives na kumikilala sa naging tagumpay ng Filipinas matapos talunin ang host country 1-0.