Advertisers

Advertisers

GOVERNMENT RADIO STATION BANKAROTE BA?

0 11,798

Advertisers

Puspusan ang programa ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR para mapaangat ang pamumuhay ng bawat mamamayan.. subalit ang RADIO STATION na pag-aari ng gobyerno e wala na bang pondo o BANKAROTE na kaya kinakailangang magbawas ng kanilang mga empleyado?

Nagugulumihanan ang maraming empleyado sa RADYO PILIPINAS 1 ng PHILIPPINE BROADCASTING SERVICE dahil ang ilan sa mga ito ay inimpormahan ng kanilang management sa pamamagitan ng TEXT at SMS na hanggang AUGUST 15, 2023 na lamang daw ang kanilang pagseserbisyo sa naturang radio station.

Sa bulong ng ARYA BEE INFORMANTS ay BUDGET CONSTRAINT daw ang rason kaya ang tanging remedyo ay magbawas ng mga empleyado.., na nitong June pa raw dapat ipinatupad ang sibakan subalit hinintay munang matapos ang STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA) ni PRES. BONGBONG MARCOS JR.



ANG 59 CONTRACTUAL OF SERVICE (COS) na matu-tsugi na ngayong August 15 ay mayroong pinirmahang kontrata.., subalit ngayong sisibakin ang mga ito ay wala man lamang daw pinapirma sa kanilang FORMAL DISMISSAL.., na hindi maiwasan ng mga ARYA BEE INFORMANT na magdudang baka tsugi na nga sila sa work ay eksistido pa rin ang kanilang names sa report ng PBS na pinapasuweldong mga COS? Hehehe.., ghost employee?

Ang isa pang BIG QUESTION MARK sa mga PBS RP1 EMPLOYEE ay mayroon daw bigas na dapat natanggap ang mga empleyado nitong nakalipas na taon.., na ang bigas ay galing daw kay PRES. BONGBONG MARCOS JR na laan para sa lahat ng mga empleyado.., pero magpahanggang ngayon ni isang gatang na bigas ay walang natanggap ang mga empleyado…,NASAAN NA RAW ANG MGA BIGAS NA DAPAT AY NAIBIGAY SA MGA EMPLEYADO NOONG NAGTAPOS ANG YEAR 2022? E baka ipinamigay siguro sa ghost employees hehehe!

Ngayon ay hanggang AUGUST 15 na lamang daw ang pagiging empleyado ng mga COS.., pati raw ba yung bigas na dapat nilang natanggap e kasama na rin bang maglalaho gayong naipagkaloob na raw ni PRES. BONGBONG MARCOS JR ang mga bigas noong bago magtapos ang year 2022?

Teka.., dapat e malinawan ng lahat ng PBS RP1 kung naibigay nga ba ng tanggapan ni PRES. BONGBONG MARCOS JR ang mga bigas noong bago magtapos ang year 2022.., na ang isang makatutulong diyan para sa isyu e ang mamagitan si PRESIDENTIAL COMMUNICATION OFFICE (PCO) SECRETARY CHELOY GARAFIL!

Nagdududa rin ang ilang mga empleyado kung ang HEPE ba ng PBS RP1 ay ganap na nga bang tagasuporta ni PRES. BONGBONG MARCOS JR dahil ang nangangasiwa raw sa naturang GOVERNMENT RADIO STATION ay naitalaga noon pang nakaraang administrasyon?



Dapat mapagtuunan ito ng mga kinauukulan dahil si PRES. BONGBONG MARCOS JR ay pursigido sa paglikha ng mga pamamaraan para magkaroon ng progreso ang lahat ng sektor ng lipunan.., ngayon ay BUDGET CONSTRAINT daw ang GOVERNMENT RADIO STATION?

Papayag kaya si PBBM na maging BANKAROTE ang PBS RP1 gayung ito ang siyang dapat na nangunguna sa BROADCASTING SERVICE sa ating bansa.., para sa pagsusulong na maipabatid sa buong mamamayan ang mga ginagawang aktibidad ng ating GOVERNMENT OFFICIALS sa ilalim ng liderato ni PBBM!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.