Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
NOONG magkasama sina Jane de Leon at Janella Salvador sa “Darna: The TV series”, nagkaroon ng following ang dalawa.
Katunayan, bukod sa nabuo ang tandem na “DarLentina” may clamor noon na gumawa sila ng GL series.
Naging game pa nga ang dalawa nang sabihin nila sa isang panayam na okey lang na magkasama sila sa isang LGBTQA+ themed project.
Ang kaso, tila walang nangyari sa inaasam ng kafaneyan na pagsamahin sila sa isang queer project.
Sa halip, napabalitang ang next project ni Janella ay ang balik-tambalan nila ni Joshua Garcia.
Sa kaso naman ni Jane, waring nabantilawan ang kanyang paglipad dahil wala nang napabalitang sumunod na acting project ito after “Darna.”
Lately, nabulaga naman ang mga faney dahil muli na namang naging usap-usapan si De Leon.
Nag-viral kasi ang unexpected encounter ni Jane sa Thai actress na si Becky Armstrong nang magtagpo sila sa Central World sa Bangkok sa Thailand.
Sa Land of Smiles kasi, nagfan-girling si Jane sa nasabing Thai celebrity na noong nagkaroon ng Fanboom sa Manila ay ni-reenact ang character ni Darna.
Marami rin ang nakapansin sa kanilang chemistry kaya naman may clamor na magsama sila sa isang proyekto.
Hirit pa ng kibitzers, bagay daw ang dalawa sa isang GL serye.
Kung matutuloy nga naman ito, good news ito para kay Jane na muling mabubuhay ang career.
Sey pa ng mga katkatera, ipinagpalit daw ni Jane si Janella kay Becky.
Ito naman ang reaksyon ng netizens.
“Jane De Leon recognised Becky Armstrong during the C-Verse grand opening in Bangkok today. Jane De Leon is a Filipina actress that played “Darna”, the same character that Becky did during Fanboom in Manila.”
“Famous Filipina Actress Jane de Leon (Darna) fangirling over our Becky”
“aww ang cute si darna at Becky may interaction”
” bagay sila sa GL”
“Jane and Becky’s little convo is so genuine ! The way becky said she’s flying tonight (to PH) because jane told her she’s from PH . Aaahhhhh ! They’re both adorable !”
“May chemistry sila like Darlentina.”
“PH Darna meets THAI Darna OMGGG DARNA JANE DE LEON FANGIRLING OVER OUR BB.”
***
Carla walang makuhang buyer kaya bagsak presyo na ang condo
MAY malungkot na hugot si Carla Abellana sa kanyang Instagram account.
Ito ay may kaugnayan sa condominium unit na pagmamay-ari niya.
Ibinebenta na kasi niya ang nasabing property pero tila nahihirapan siyang makakuha ng prospective buyers.
Kaya naman, wala siyang choice kundi ang magbagsak presyo.
Aniya: “Waaaaay below market value now”
Ayon sa Kapuso actress, ibinubenta niya ang unit at a bargain price na below its market value.
Ang fully furnished condo ay may kasama nang parking lot.
Si Carla ay huling napanood sa seryeng “Voltes V: The Legacy” kung saan ginampanan niya ang papel ng ina ng Armstrong brothers.