Advertisers

Advertisers

John Lloyd at syotang si Isabel kapwa weirdo kaya bagay sa isa’t isa

0 151

Advertisers

Ni BETH GELENA

KASAMA ni John Lloyd Cruz ang girlfriend-artist na si Isabel Santos sa kasal nina Maja Salvador at Rambo Nunez na gjnanap sa Bali, Indonesia last July 31.
Nagbahagi siya ng kuha niyang larawan ng mag-amang JLC at Elias na kasama rin ng aktor sa kasal.
Ang gwapo ng mag-ama sa kanilang kasuotan.
Kaya lang ang netizens ay hindi pa rin nasasanay sa ka-awrahan ng girlfriend ng aktor.
Anila: “Medj weirdo talaga si atey. Yes, di ko lang ma-gets ang taste nya sa bagay bagay.”
“kaya nga parang ang baduy nya”
“di ko rin maiwasang mawerduhan sa kanya. pero syempre sya yan eh. di lang kasi ako sanay haha”
“Yess.. weird nga.. lalo sa hair. Yung sa mirror pic nila parang lola yung kasama. Nyay!”
Pagtatanggol naman ng ibang netizens, “She’s not baduy. She’s just not like you and me na sumusunod sa kung ano ang uso. Artist sya, hindi artista ha lol pati lolo nya or dad, so iba talaga ang trip nila hindi gaya gaya at hindi pa-impress sa ibang tao.”
“Sabihin na natin na weird in a good way cguro.Yes, she may be weird but definitely not baduy.”
“Actually may part din na pa-impress sa ibang tao. They dress that way to be different from the rest. They want to give that impression na since they are artists, they’re unique and not ordinary gaya ng karamihan.”
May mga nagsasabi namang nasassnay na raw si Elias sa set-up ng kanyang lifestyle.
“Swerte ni Elias. Maganda ang co-parenting sa kanya ng parents nya lalo na ng mother. Aminin naman natin na madaming moms ang selosa kapag nasa iba ang attention ng anak nya lalo na kung only child.”
“Elias is one lucky boy to be surrounded by so much love from both parents, stepdad and dad’s gf. Im happy for him!!”
“Mukhang ito na talaga da 1 ni JLC. Nawi weirdo-han din ako sa fashion sense nya pero weird din naman si JL kaya nga siguro mas nagkakasundo sila otherwise binago nya na itsura nya kung di sya tanggap ni JL na ganyan sya. Kaya keribels as long as nagkakasundo at di sila toxic sa isa’t isa.”
***
MAINE UMALMA SA HEADLINE NG INQUIRER ‘MISLEADING AND FALSE NEWS’
INALMAHAN ni Maine Mendoza ang isang news item ukol sa kanilang trip sa Europe ng mister na si Congressman Arjo Atayde.
May lumabas kasi sa Inquirer.net na “Days after their wedding, Arjo and Maine will be heading to Switzerland, Italy and Greece as part of the actor-politician’s official trip as vice chairperson of the House special committee on creative industry and performing arts.
Agad na nagreak si Majne sa kanyang Twitter account.
Aniya: “Huh? Fake news na naman. This seems to be written by an uninformed and privy writer. The headline is misleading and FALSE.”
“Still misleading and lacking context.”
Aniya pa, “Next time yung magagaling nating netizens kung walang time mag fact check, huwag magpadalus-dalos sa pag-react. Mema minsan. Pati kayo nagpapaloko sa maling balita at impormasyon. Sayang ang pagiging “woke” kung lahat nalang papaniwalaan.”
“The article is still misleading and lacking context. It insinuates that this trip is at government expense. There are two kinds of “official” travels and I hope you include that in your article and where this trip falls under. I will probably be asked to delete this again but I shall say it again one last time, EVERYTHING is at PERSONAL EXPENSE. 100%. No government funds will be used. Hope you can insert that somewhere in your article. Salamat.”
***
Kahit sikat na ang loveteam walang yabang sa sarili
DIREK MAE EXCITED MAIDIREK ANG DONBELLE
NAG-umpisa nang mag-taping sina Belle Mariano at Donny Pangilinan ng ‘Can’t Buy Me Love’ na ang director ay si direk Mae Cruz Alviar.
Ibinahagi ng direktor sa kanyang Instagram post ang kanilang taping “Day 1! #CantBuyMeLove.”
Super excited ang
DonBelle sa muling pagtatambal ng kanilang idolo.
“Excited that you’ve started na, Direk! Go go go!!!” sèy ng isang fan
.”Happy day 1 direkkkkk! Congratulations po!
Ayon sa direktor: “Ang maganda rito kasi we’ve seen them already ng new gen doon sa kanilang series at past movies but this is like a classic, classic love story, pero ang characters mo ay very new gen.”
Bilib ang direktor sa DonBelle dahil kahit naging instant agad ang kanilang kasikatan ay hindi pa rin daw nawawala ang kanilang dedication sa trabaho. At wala raw yabang sa sarili ang dalawa kaya sobra raw siyang na-impress sa mga ito.
Wika naman ni Belle: “You know ever since, this has always been a dream of mine. Growing up I used to watch primetime seryes nga and to be able to do one, oh my gosh with Direk Mae and him (Donny), grabe! I am so excited. I cannot wait.”
***
JOSHUA AT RUMORED GF HANGGANG 6 MONTHS LANG DAW ANG RELASYON
IBINAHAGI ng rumored gf ni Joshua Garcia na si Emilienne Vigier ang larawan ng una sa magazine cover nitong Mega Man Cover.
Man of the Hour ang title ng magazine cover ng aktor.
Komento ng netizens, “Supportive girlfriend, go lang joshua explore lang”
Nega naman ang komento ng isang ito, “flex si ate pero never ifflex at aaminin ni juswa”
May nagkomento pang hanggang 6 months lang daw ang dalawa.
“Why not! Tas renew na lang or extend if gusto pa nila di ba?”