Advertisers

Advertisers

CPNP Gen Benjamin Acorda sa mga Police Regional Offices: Paigtingin, palakasin ang Counter Terrorism effort

0 5,535

Advertisers

Sa pagsulpot ng pinakahuling kaganapan hinggil sa makatarungang desisyon ng Anti-Terrorism Council sa kasong kinakaharap ni Congressman Arnulfo Teves patungkol sa pagpatay sa gobernador ng Negros Oriental na si Roel Degamo at 9 pang inosenteng mamamayan, maagap na umaksyon ang pamunuan ng Pambansang Pulisya upang paghandaan ang anumang di kanais-nais at nang ma protektahang mabuti ang kaligtasan ng lahat.

Ang kalalabas lang na kalatas mula sa pamumuno ni Chief PNP Gen Benjamin Acorda: Paigtingin at lalong palakasin ang kampanya ng buong kapulisan sa bansa laban sa terorismo.

Naaalala ko pa nuong panahon nang ako ay civilian Chief Training Officer ng PC/INP, kabilang sa trabaho ko ang makipagugnayan sa opisina ng JUSMAG o Joint US Military Advisory Group sa Quezon City tungkol sa mga alok nilang libreng pagtuturo o training sa Estados Unidos. Bahagi ito ng Mutual Defense Agreement ng US-Phil at isa sa mga kurso dito ay ang Anti-Terrorist Program o ATAP. Maraming miyembro ng PC/INP nuong dekada 80 -90 ang matagumpay na nagtagpos sa pagsasanay na ito, sa katunayan, me cross training pa nga na itinuro ang US Armed Forces at FBI na close quarter battle na siyang lalong nagpahusay sa mga Pinoy armed forces at police sa malapitang pakikipagtunggali.



Sa oras na itong pitak kong ito ay mababasa ng mga kasamang unipormado, i know they can only be nostalgic rekindling their past trainings that beefed up their dedication as law and peace enforcers during their heydays in Camp Crame.

Back to my topic: … sayang at pakiramdam ko ay retirado ang karamihan sa kanila na sana ay magiging mahuhusay na katuwang ng PNP sa pagsasanay at paghuhubog sa mga baguhang pulis tungkol sa laban sa terorismo. Aminin natin na maraming problema ang kapulisan at isa na rito ay ang karampatang kaalaman sa pakikipagtunggali sa mga armadong grupo na ibig maghasik ng lagim , manakit at pumatay ng inosenteng mamamayan dahilan sa kanilang sinimulang kausa…ang “protracred war” na inilunsad nila mula pa nuong dekada 60. Ang turing ng gobyerno sa kanila ay ang mga kaunaunahang terorista.

Sa kabilang banda, ang pagkakaroon ng gobyerno ng isang Anti Terrorism Council ay isang napapanahong kilos na sa pagtutulungan ng mga law enforcement agency at ilang piling stakeholders, ang problema sa pagsugpo ng terorismo ay dagliang masasawata. Ito ngayon ang utos ni CPNP Gen Benjie Acorda, isang dating kasama sa nuon ay CISC hanggang sa ito ay maging CIDG ngayon. Alam kong malalim ang diskarte ni Koyang Benjie…at hindi naman siya pababayaan ng kanyang mga Police Regional Directors sa buong bansa.