Advertisers

Advertisers

PBBM IBA ANG SINASABI KESA SA GINAGAWA

0 257

Advertisers

Tila di maganda ang nangyayari sa liderato ng administrasyong Marcos sa kabilang ng patung-patong na efforts ng mga tinaguriang media trolls na pabanguhin ang imahe ng batang Marcos.

Iba kasi ang tunay na sitwasyon ” on the grounds” kesa sa mga binibitawang press releases ng Malacanang at positibong mensahe sa mga speeches ng Pangulo.

Sa pinakahuling kaganapan, salungat sa pronouncement ng gobyerno, posibleng tumaas pa ang presyo ng bigas sa halip na makamit ang pinapangarap na bente pesos (P20) kada kilo nito na bahagi ng campaign promises ni PBBM.



Sa pinaka latest kasing pahayag ng mga rice traders,
sinabi ng mga ito na inaasahang tataas muli ang presyo ng bigas sa Pilipinas dahil tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa pandaigdigang pamilihan.

Sinabi ng mga stakeholder ng bigas na tumataas ang presyo ng bigas mula Vietnam, Thailand, at India, na nagdulot ng pagtaas ng imported na bigas sa ating bansa.

Ayon sa chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na si Rosendo So, ang pagtaas ng presyo ng bigas ay dahil na rin sa pag-ban ng exports ng India.

Pinababawasan ng mga pribadong mangangalakal ang kanilang mga pag-import dahil sa pagtaas ng mga presyo sa internasyonal habang ang mga lokal na mangangalakal ay nananatili sa kanilang mga stock at naghihintay para sa mga lokal na presyo na tumaas pa.
Kasabay ito ng lean months ng Hulyo at Agosto, kung saan kakaunti ang ani.

Sinabi pa ni Raul Montemayor ng Federation of Free Farmers, na kung hindi umano papasok ang mga pag-import kung kinakailangan sa mga susunod na buwan, maaari magkaroon ng napakahigpit na suplay bago magsimula ang ani sa huling bahagi ng Setyembre.



Kung ganito ang tunay na kaganapan sa isyu pa lamang ng bigas at hindi ipinahahayag at ipinagbibigay- alam ang totoong sitwasyon, nakakatakot ang puwedeng pang mangyari sa hinaharap.

Krisis ang kasasapitan ng bansa sa halip na ang pinanganga-
landakang “food security” ng bansa sa ilalim ng Marcos administration.

Hindi lang po sa presyo ng mga pangunahing bilihin at food security may malalang problema ang Pinas kundi sa mas mabibigat pang isyu sanhi ng pagsisinungaling ng gobyerno at ng mga opisyal nito sa totoong sitwasyon ng bansa.

Sabi nga,kung di talaga kayang gawin ang tamang pamamahala ay wag pilitin at lokohin ang taongbayan.

Sa mismong mga miyembro ng gabinete ni Marcos nagmumula ang malaking pangambang ito na nagdudulot ng di matatawarang demoralisasyon at kawalang kapanatagan sa kasalukuyang presidency.

Sa totoo lang,nasa krisis talaga ang liderato ni PBBM na ano mang sandali ay puwedeng malusaw sa dami ng indulto at kapalpakan.

Ang masakit,kapakanan ng bayan at ng sambayanan ang nasasakripisyo at nakokompromiso.

May kasunod…

ABANGAN!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com