Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MASAYA nga naman pag maraming tsikiting sa bahay.
After ng proposal ni Dominic Roque kay Bea Alonzo ay kasalan na ang next.
Pag uusapan pa raw ang mga bagay na ‘yan regarding sa estado ng pag- aasawa.
Pasasaan ba raw at sa kasalan din ang hantong ng magdyowa.
At siyempre, na ask na rin kay Bea kung ilan bang anak ang plano nila ni Dominic.
Wala namang kagatul-gatol na sagot ni Bea na walo ang gustong anak ni Dominic.
Pero may pag-aalinlangan pa si Bea kaya nasabi niya paano magiging walo ang puwede nilang anak kung ganyang 35 years old na ang aktres.
Masaya nga raw na maraming kids pero ang edad nga ang inaalala ni Bea kaya malabo ang walong anak na gusto ni Dominic.
***
Vice papalamig muna after ipatawag ng MTRCB
DAHIL sa kontrobersyang kinasasangkutan ni Vice Ganda at partner na si Ion Perez dahil sa subuan ng icing ng cake.
Tila nagpaplano na lumabas ng bansa si Vice para magpalamig.
Mainit pa nga ang isyu ng subuan ng icing kaya need ni Vice na mag rest muna.
Pero sa pagbabakasyon ni Vice baka manibago ang viewers ng Its Showtime kung asan na ang Bekiro Host.
Baka sabihin ng bashers na suspended kahit na warning lang naman.
Tama lang naman ang pagpunta ni Vice sa ibang bansa para mamatay ang isyu.
Well, well, well…’Yun na!