Advertisers

Advertisers

Gadon nais matapos ang misyon ng NTF-ELCAC

0 135

Advertisers

Nais ni Presidential Adviser for Poverty Alleviation Lorenzo “Larry” Gadon na matapos ang misyong ginagampanan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa paghahatid nito ng mga serbisyo ng pamahalaan sa ating mga kababayang napeste ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.

Inihayag ito ni Gadon sa lingguhang pulong balitaan ng NTF-ELCAC nitong Lunes na pinamagatang TAGGED Debunking Lies by Telling the Truth.

Para kay Gadon dapat ngang humingi pa ng ‘supplemental budget’ ang Task Force upang di maputol ang programa nitong Barangay Development Program na nagbubuhos ng pondo para sa mga kinakailangang mga proyekto ng mga barangay na dati’y kinukubkob ng mga CPP-NPA-NDF.



Malaki aniya ang nagawa ng NTF-ELCAC na maibsan ang kahirapang ng mga barangay na dating hawak ng mga komunistang-terorista.

Batid ni Gadon na noong una, nang binuo ito ay mayroong P18 billion budget ang task force na natapyas sa P10B bilyong ngayong taon at halos paubos na ito.

“Paanonh maipagpaatuloy ng NTF-ELCAC ang misyon nito, kung kapos ito sa pondo?” ang tanong ni Gadon, na sinabing masasayang lamang ang nasimulan ng task force na palayain ang bansa sa kahirapan at rebelyon.

“They should asked for a supplemental budget to continue its program. How would you solve this problem, that you say is now only confined in Norther Samar?,” pahayag pa ni Gadon.

Dagdag pa niya, kung siya lamang ang masusunod, magrerekuminda pa siya ng mga lugar na dapat ay tulungan din ng NTF-ELCAC sa pamamagitan ng BDP nito.



“My position and office is not an implementing agency. (Only recommend story) So I would recommend, if I assessed a particular area that needs the NTF-ELCAC,” sabi pa ng bagong talagang opisyal ng Administrasyong Marcos.

Ito rin aniya ang kanyang gagawin sa National Anti-Poverty Commission at sa Presidential Commission for the Urban Poor na nagsisilbing direktang linya ng Administrasyon para solusyunan ang problema ng mahihirap nating mga kababayan.

“Yan ang aking magiging papel, tingnan kung talagang nagagampanan ng mga ahensiyang ito ang kanilang mandato. Di pwedeng kanya-kanya, dapat magtugma-tugma ang kanilang galaw. Para akong kunduktor ng isang orchestra. Poverty alleviation is not just one goverment agency. We have the DA (Department of Agriculture) to help our farmers. We have the DSHUD and NHA to take their shelter needs and the DSWD for their hunger,” paliwanag pa ni Gadon.

Ginagawa raw ng Marcos Administration ang lahat ng paraan para sa kanyang mamamayang mga mahihirap.

“We elected President Bong Bong Marcos with so many problems for the pandemic also incurring around P13.7 trillion in debts. Pero ngayon unti-unti na tayong bumabangon. Ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng paraan para lahat tayo ay gumanda ang buhay,” pagtatapos ni Gadon.