Advertisers

Advertisers

KAHIT NAKAILANG DYOWA NA…KC NEVER NAGING HOMEWRECKER; KYLIE NAKIUSAP SA FANS, ‘WAG NA I-TAG SA MGA GANAP KAY ALJUR

0 120

Advertisers

Ni BETH GELENA

NAKIUSAP si Kylie Padilla sa kanyang fans na ‘wag na raw siyang i-tag sa posts nina AJ Raval at Aljur Abrenica.
Sa kanyang Twitter page, @kylienicolep, ay sinabi niyang; “Love you guys, but please stop tagging me on my ex’s and his GF’s posts. Honestly, kapagod yung narrative. Please lang. Thank you.”
Sinagot din niya ang tweet ng fans na nagpadala ng hugs emoji at lagi lang daw silang nandyan para sa kanya.
“Actually, I’m really ok. LOL May sari-sarili na kaming buhay, nakakatawa lang. I don’t need to know what my ex is doing just like anyone who has an ex LOL. Sobrang awkward dahil lahat kami artista,” paliwanag ng celebrity mom.
Though hindi pa annull ang kasal nina Kylie at Aljur, may amicable settlement ang estranged couple regarding sa dalawa nilang anak na lalaki — Alas Joaquin at Axl Romeo — na co-parenting sila.
2021 nang maghiwalay sina Kylie at Aljur.
***
NAGBABAKASYON si KC Concepcion kasama ang boyfriend na si Mike Wüthrichss sa Europe.
Aniya sa caption: “In case you were wondering.. this time last week, I took a European train to make time for dear friends in France — and to get my hands of fresh figue and homemade pavlova, of course! Here’s how I spent the weekend.”
Puna ng netizens, “Lagi naman vacation with bf iba iba nga lang.
“Hindi naman siya married, so yes, she can date whoever she wants”
“Okay na yan kesa naman pinagsasabay sabay.”
“How do i love thee, let me count the ways”
Inisa-isa ng netizen ang mga nakarelasyon ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.
“KC Concepcion has been in relationships with
1. Alexander Borromeo
2. Paulo Avelino
3. Pierre-Emmanuel Plassart
4. Piolo Pascual
5. Lino S. Cayetano
6. Rico Blanco
7. Ugo de Charette.
8. Mike Wüthrich
Sharing is caring.
“In ferness kahit naka ilang boyfie na si KC hindi siya homewrecker.”
“So what? Ang impt hinde sya nag cheat. Ganun talaga ang relationship.. trial and error. Minsan una pa lang ok na minsan naman ilang heartbreaks muna bago makatagpo. Let her. Wla naman syang sinasagasaan.. di naman sya kumakabet”
“Wow alam mo lahat. Updated ka kay kc ”
“Bet nya talaga Euro men. Kelan kaya end game nya. Alala ko yung AbsCbn special na from Paris to Pinas- young socialite ang peg. Lahat curious sa kanya.”
“And after 8 confirmed relationships, she still feels “na may passion” something na giddy teenager sa love.”
***
ALJUR AT AJ KAPWA ‘SUGAPA’
BALIK-Vivamax movie si AJ Raval after niyang mamahinga nang matagal-tagal.
Makakapareha ni AJ ang boyfriend na si Aljur Abrenica.
Asahan na raw ang daring scene sa kanila.
Ang titulo ng kanilang movie ay Sugapa.
May nagtanong kung gaano raw ba ka-intense ang daring scens ni AJ.
“All in” umano ang lead actress sa pèrformance nito.
Excited na raw na muling mapanood ng kanyang fans si AJ.