Advertisers

Advertisers

Mikoy kinabog sina Carlo, JK at Khalil sa best actor sa Cinemalaya

0 134

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

INANUNSYO na ang mga nanalo sa ika-19 na edisyon ng Cinemalaya kamakailan.
Kinabog ni Mikoy Morales sa kategoryang best actor sina Carlo Aquino (Iti Mapukpukaw), Khalil Ramos (As If It’s True), JK Labajo (When This is all Over), Shun Mark Gomez (Huling Palabas), Paolo O’hara (Ang Duyan ng Magiting), Ken Yamamura (Gitling) at Ron Matthews Espinosa. (Bulawan Nga Usa.)
Nagwagi ang Kapuso actor para sa kanyang makatotohanang pagganap sa papel ng isang playboy na nakakuha ng kanyang katapat sa pelikulang “Tether.”
Wagi naman bilang best actress si Pat Tingjuy para sa LGBTQA+ movie na “Rookie” kung saan tinalo niya sina Ashley Ortega (As If It’s True), Jorrybell Agoto ( Tether) at Aya Fernandez (Rookie).
Itinanghal naman bilang best supporting actress ang acclaimed international actress na si Dolly de Leon para sa animated film na “Iti Mapukpukaw” samantalang ang dating child actor na si Bon Andrew Lentajas ng “Huling Palabas” ang nag-uwi ng best supporting actor trophy.
Nanalong best film sa full-length film category ang “Iti Mapukpukaw” ni Carl Papa samantalang ang short na “Sibuyas ni Perfecto” ni Januar Yap ang tinanghal na best film.
Sa kategorya namang best director, wagi si Ryan Machado sa full-length category (Huling Palabas) at Mike Cabarles sa short film category. (Makoko sa Baybay)
NETPAC (Network for the Promotion of Asia Pacific) Awardees naman ang “Iti Mapukpukaw” sa full length category at “Hinakdal” sa short film category.
Special jury prize winners ang “Ang Duyan ng Magiting” ni Dustin Celestino sa full-length category at “Hm Hm Mhm”nina Sam Villa-Real at Kim Timan sa short film category.
Binigyan ng special award for best ensemble acting ang cast ng “Ang Duyan ng Magiting.”
Ang “Hinakdal” at “Rookie” ang nagwagi bilang Audience awardees para sa short film at full length film categories.
Ang mga nagwagi naman sa technical categories ay ang mga sumusunod:
Best screenplay for full length category: Jopy Arnaldo (Gitling)
Best screenplay for short film category: Arvin Belarmino (Hinakdal)
Best Editing : Ilsa Maliksi (Rookie)
Best Cinematography: Martika Escobar (When This is All Over)
Best Production Design: Kaye Banaag (When This is All Over)
Best Original Musical Score: Kindred nina Justin Punzalan, Vince Dalida, Luis Montales, Jaime San Juan, Moses Webb, Fern Tan, Jorge Juan Wieneke V, Othello Intia (When This Is All Over)
Best Sound: Gian Arre (Tether)