Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA pagsalang ni Yorme Isko Moreno sa segment ng Dapat Alam Mo na Gonna Lie.
Inamin nito na manhid na siya sa mga basher.
Simula kasi nang masalang ito as bagong host ng noontime show na Eat Bulaga, hindi na ito tinantanan ng bashers at talaga namang lagi itong may pukol na mga batikos simula lang nang maging host sa EB.
Sa pag-amin ni Yorme, sinabi nito na manhid na siya at di na pinapansin or dedma na sa mga bira sa kanya.
Imbes na mainis ay di na nga lang pinapatulan pa ni Yorme ang batikos.
Bagkus ay inuunawa na lang nito ang mga namba-bash na naging solid viewers sa mahigit na apat na dekada.
Sa isa pang salang nito sa lie detector ay umamin agad ito at sinigaw na Yes.
Tanong kasi kung takuza ba raw si Yorme at sino ba naman ang papalag kay misis na isang Taekwando expert.
***
Sarah at Matteo ibinida ang bago nilang baby
KILALA ang couple na Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na mga animal lover.
May lima nang dogs ang mag-asawa.
Sa Unang Hirit ay ibinida ni Matteo at kahit sa kanilang socmed account ang bagong dagdag na animal sa kanilang mga aalagaan.
Inampon nga nila ang bago nilang furbaby na isang cat.
Kaya naman maraming napakomento sa pagkahilig ng mag-asawa sa mga hayop.
Wish ng marami na magkaroon na sila ng baby para mas kumpleto at matawag na silang happy family.
Well, well, well…’Yun na!