Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA gabi ng parangal ng FAMAS, nakapanayam si Nadine Lustre tungkol sa Careless CEO na si Jeffrey Oh na ngayon ay napabalitang may problema sa Immigration dahil wala umano itong permisong mag-operate ng negosyo sa bansa.
Tikom ang Viva artist ukol sa isyu at pinili na lang na huwag magkomento sa nasabing kontrobersya.
“I’d rather not talk about that just because I’m not involved in it anymore, so I don’t want to comment on that anymore,” sagot ni Nadine.
Gayunpaman, hindi naman niya ikinaila na kilala niya ang dating CEO at business partner ng ex na si James Reid.
“But of course Jeff is so… I’ve worked with him too. It’s very unfortunate that this is happening,” dagdag pa niya.
Dating talent ng Careless si Nadine kasama ang isa pang aktres na si Liza Soberano.
Naaresto si Oh noong July 28, ayon sa Bureau of Immigration (BI) spokesperson na si Dana Sandoval.
Bagaman nakapagpiyansa si Oh noong August 4, nagpapatuloy naman ang deportation proceedings niya, ayon kay Sandoval.
***
SA isang interview, natanong si 2015 Ms.Universe Pia Wurtzbach tungkol sa pinakamasakit na bagay na nasabi o naiparatang sa kanya.
Bago sumagot, panandalian munang nag-reflect ang beauty queen.
Aniya, may mga below the belt na banat daw sa kanya na talagang dinamdam niya noon.
Para sa kanya, okey lang daw na batikusin ang kanyang hitsura huwag lang siraan ang kanyang integridad o karakter.
Masakit din daw para sa kanya kapag nadadamay na ang kanyang pamilya na mahal sa kanya.
“The most painful thing somebody’s ever told me… Well, there’s quite a few. Whenever people try to attack my family, those are very painful. I find that really below the belt kind of jabs,” aniya.
“When somebody attacks my character or accuses me of being a terrible person or somebody who’s like who wants misfortune for somebody else. That’s really hurtful to me. I come from a pageant, you can call me ugly all you want. You can judge me the way I look, the way I talk, but I get hurt when you attack my character. That’s painful,” dugtong niya.
Nag-cite rin siya ng insidenteng nangyari sa kanya kung saan pinaratangan siyang ‘malas’ sa buhay ng ibang tao.
Gayunpaman, hindi naman niya tinumbok kung sino ang nanakit sa kanya.
“I’ve had a person come up to me and say you’re the reason that this is happening to us. I won’t reveal who it is but that blame has been put on me as a kid. The reason that we’re suffering right now is because of you,” ani Pia. ” It’s painful for sure. That kind of thing sticks to you. Sometimes you’ll be like, maybe I am just so difficult. Maybe it is my fault that so much misfortunes’ happening in our life,” pahabol niya.