Advertisers
Ni BETH GELENA
SI Nadine Lustre ang nag-uwi ng tropeo para sa Best Actress sa nakaraang FAMAS na ginanap nung August 13.
Greed ang pelikulang pinanlaban ni Nadine.
Bale pangalawang beses nang win ang aktres sa award giving body na ito.
Ang una ay nung 2019 sa pelikulang Never Not Love You, kapareha ang ex-boyfriend na si James Reid
Last Metro Manila Film Festival ay nanalo ring Best Actress si Nadine sa pelikula namang Deleter.
May ginagawa ngayong movie ang aktres, ang Nokturmo.
Hindi pa alam kung maihahabol sa MMFF 2023 ang kanyang pelikula.
***
DANICA MAY PINATATAMAAN SA BETRAYAL POST
May makahulugang post sa kanyang IG account ang anak ni Vic Sotto na si Danica Sotto Pingris.
Isang very meaningful quote ang ibinahagi ng misis ni Marc Pingris na kinuha niya sa LifeLearnedFeelings.
Ang reposted quote ay nagsasaad na “Trust is earned, respect is given, and loyalty is demonstrated. Betrayal of any of those is to lose all three.”
Ang tanong, sino kaya ang tinutukoy ni Danica na nag-betray sa kanya?
As per the quote kasi na nirepost niya mula sa LifeLearnedFeelings, “Betrayal of any of those is to lose all three.”
Maliban sa quote, may pinost din ang anak nina Vic Sotto at Dina Bonnevie ng larawan at videos sa kanyang IG Stories.
Sa isang video she was craddling her baby, and they were sitting at a cute-looking kubo.
Palaisipan sa netizens ang betrayal post ni Danica.
May nagtatanong din kung may probema raw ba sa married life ang mag-asawa?
Nag-cheat daw ba si Marc?
Tanging si Danica lang ang makakasagot sa kanilang katanungan
***
Si Rep. Sandro Marcos ba ang dahilan kaya nababalitang break na si Yassi Pressman sa boyfriend na si Jon Semira?
May post ang TikToker na s @_kitkatsz at nilagyan ng caption na “SANDRO X YASSI LOOK SO FINE THIS WAS AFTER PARTY LAST JULY 24 2023. They were good friends.”
Pero ang mga larawang nakapost ay very sweet ang mag-BFF.
Si Sandro ay nali-link kay Alex Miro, ang dating host ng Tropang LOL.
Komento ng netizens: “bombastic side eye”
“Sila na ba? May something?”
“Bagay na bagay sila.”
“Di na ba si Sandro and yun starlet?”
“Gusto maging first lady”
“Iba yung tingin ni Yassi eh lol”
“Ang cringe naman maging bff ni Yassi. Lalo na kung may gf si Sandro.”
“Grabe ang linkis agad…”
“Nakibonding na kay bff kc wla n cla ng jowa nya”
“May pag emote pang nalalaman. D naman halata na broken hearted sa mga photos na to. Best actress c ante.”
“Oh di ba may starlet na gf itong si Sandro. Host siya sa Eat bulaga. Baka magselos yun haha”
“Maryosep. Di naman ako napopogian dyan kay Sandro, of all? si Sandro talaga? How did they get to know each other?”
“Maka of all si Sandro talaga ka naman. What do you mean? He’s well educated, a Congressman, and most of all, anak ng Presidente ng Pilipinas. Anong klaseng standard ba hanap mo?”
“User friendly much”
“teh, majority of pinoys know na may syota si Sandro. Then, kakabreak lang ni Yassi sa on and off bf nya.”