Advertisers

Advertisers

Yorme inihayag kung pa’no maaalis ang tatak ng dating ‘Eat Bulaga’

0 143

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SUMALANG si Isko Moreno, na isa sa regular host ng revamped Eat Bulaga, sa ‘Not Gonna Lie’ segment ng ‘Dapat Alam Mo! na si Kim Atienza ang host.
Isa sa mga natanong sa dating mayor ng Manila, kung nasasaktan ba siya sa mga nang-ookray at nangba-bash sa kanya sa pagiging isa sa mga host ng nasabing noontime show ng GMA 7. Ang sagot ni Yorme ay no, na kinumpirma naman ng lie detector test dahil ‘true’ ang lumabas na sagot. Natatawang hirit ni Isko, “Manhid na, eh! Hahahaha!”
Paliwanag pa niya, naiintindihan niya ang mga manonood at loyal fans ng ‘Eat Bulaga’ dahil nasanay at nakagawian na ng mga ito ang kanilang pinapanood sa loob ng mahigit apat na dekada.
“Kaya ang kailangang makita ng mga televiewer sa bagong ‘Eat Bulaga,’ yung mga bagong puwedeng maging magdulot ng kasiyahan at saka yung tulong,” aniya pa.
Ipinagdiinan din ni Yorme na mas nakatutok at naka-focus ngayon ang bagong “Eat Bulaga” sa televiewers at hindi sa mga host nito tulad niya at nina Paolo Contis, Buboy Villar, Betong Sumaya, Glaiza de Castro, ang magkapatid na Cassy at Mavy Legaspi at iba pa.
Speaking of Kiuya Kim, naglabas siya ng saloobin ukol sa pagdedeklara ng persona non grata sa drag queen na si Pura Luka Vega. Matatandaang sunud-sunod ang mga balita at anunsyo ng pagkakadeklara ng persona non grata kay Luka at ang huli nga ay ang deklarasyon ng Manila City Council.
Post ni Kuya Kim sa kanyang social media account,”Quiapo is the epicenter of Black Nazarene devotion. Kudos to [Manila] City Council which I was once a member of.”
Sa post na ito ni Kuya Kim, tinag niya ang kasalukuyang alkalde ng Maynila na si Dra. Honey Lacuna at si Isko Moreno.
Nag-ugat ang deklarasyon ng mga city council dahil sa contoversial drag art performance ni Pura, kung saan nakabihis siya bilang si Hesus habang sumasayaw at kumakanta ito ng remix song ng “Ama Namin”.
***
BUKAS na, August 17 at 9pm, gaganapin sa Clowns Republik na matatagpuan sa Quezon Avenue, ang concert ng tinaguriang Queen of Teleserye Themesong na si Angeline Quinto billed as One Night Only with Angeline Qunto. Isa itong benefit concert na ang part ng kikitain ay mapupunta sa The Child Haus.
Special guests ni Angeline sa kanyang concert sina Sarah Liroe Javier, Laverne Gonzales Arceo, Gem Castillo, Christi, Shira Tweg, Cyrus Vance Soriano at Dindo Caraig. Si Romel Chika ang magsisilbing host.
Asahang kakantahin ni Angeline ang hit singles niya sa kanyang concert tulad ng At Ang Hirap, Hanggang Kailan, Patuloy Ang Pangarap, Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin at marami pang iba.
Watch na kayo ng concert, siguradong mag-i-enjoy kayo. Ang tickets ay nagkakahalaga ng 1000 at 1500. Mabibili ito sa Clowns Republik.