Advertisers
SINIMULAN ng Choco Mucho Flying Titans ang kanilang kampanya sa VTV International Women’s Volleyball Cup sa pamamagitan ng four-set win laban sa Japan’s Kansai University of Social Welfare, 25-17,25-23,19-25,25-22, Sabado sa Vietnam.
Pinamunuan nina Caitlyn Viray at Maddie Madayag ang opensiba ng Flying Titans sa final moments ng laro matapos tagpasin ng Japan ang kanilang deficit sa isang puntos 23-22, sa fourth set.
Ang Choco Mucho ay nag debut ng kanilang panalo sa VTV Cup kontra Japan’s kansai University of Social Welfare.
Ngayong alas 8 ng umaga ay makakaharap ng Flying Titans ang Vietnam.
Ang Choco Mucho ay bumalik sa aksyon Linggo laban sa hometeam.
Ang VTV Cup ay binobou ng anim na teams ngayong taon at ang top four teams pagkatapos ng single round robin elimination round ay aabante sa palyoffs.