Advertisers
Sa bilis.nang pag-unlad sa makabagong henerasyon sa METRO MANILA at mga karatig lalawigan ay nangangamba ang grupo ng mga kooperatibang magsasaka na tuluyang mawala ang binubungkal nilang lupain na pinagtatamnan ng mga palay at gulayan sa TAYTAY, RIZAL PROVINCE.
Ang mga bumubuo ng RIZAL LAKESHORE FARMERS COOPERATIVE (RLFC) ay nananawagan sa pangasiwaan ng LAGUNA LAKE DEVELOPMENT AUTHORITY (LLDA) at sa DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES (DENR) gayundin sa TAYTAY MUNICIPAL GOVERNMENT na masolusyunan ang kinakaharap nilang problema dahil marami na ang kumakamkam sa mga lupaing kanilang pinagtatamnan.
Ang lugar ay ang SITIO SIWANG BRGY. SAN JUAN, TAYTAY na nasa 40 magsasaka ang mahigit 30-taong nagsisipagsaka sa lugar na dati ay nasa 157 ektarya.., subalit dahil may mga naglitawan nang magsasabing sila ang nagmay-ari ay halos 50-ektarya na lamang ngayon ang nagsisilbing sakahan ng RLFC.
Inihayag ni RLFC CHAIRMAN JOSE SALINAS na marami na umanong mga INFORMAL SETTLERS ang omokupa na sa mga dati nilang sinasaka na base sa kanilang pagkakaalam ay nasasakupan umano ng LLDA ang kanilang lugar o pag-aari ng gobyerno.
Ipinunto naman ni LUZON ECHO TRANSPORT SERVICE MULTI PURPOSE COOPERATIVE CHAIRMAN MIKE SALGADO na kailangan.aniyang ang LLDA mismo ang magbigay kalinawan kung ang lugar ng RLFC ay nasasakop ba ng naturang ahensiya o sadyang may mga nagmamay-ari na ng pribado sa lugar na sinasaka ng farmers.., dahil kung pribado o may mga lehitimong nagmamay-ari sa mga pinagsasakahan ay nakahanda umano silang.kumilala sa mga nagmamay-ari.
Maraming beses na umanong naghain ng petisyon ang RLFC sa mga kinauukulan partikular na sa LLDA subalit hindi pa rin daw tinutugon ang kanilang hinaing patungkol sa pagdagsa umano ng mga informal settler na wala namang kaukulang mga dokumentong magpapatunay na sila ang nagmamay-ari sa inokupahang mga lote.
Anila, hindi umano inaangking pag-aari ng farmers ang mga lupang kanilang pinagtatamnan dahil batid umano nila na ang kanilang kinalulugaran ay government property
Bunsod nito ay nananawagan si SALINAS sa TAYTAY MUNICIPAL GOVERNMENT na matulungan silang mga magsasaka na maipagoatuloy ang kanilang pagtatanim sa shoreland na aniya ay pang-asiate sa mithiin ng gobyerno para sa food security.
Sa panig naman ni TAYTAY MUNICIPAL MAYOR ALLAN DE LEON na lagi silang nakaalalay sa kanilang mga constituent lalo na sa mga farmer.., yun nga lang, ang lugar ng SITIO SIWANG ay wala umano silang kontrol kung ang lugar ay may pribadong nagmamay-ari.
Bilang MAYOR ng TAYTAY ay gustong-gusto ni MAYOR DE LEON na ang mga magsasaka ay makapagoatuloy sa kanilang mga pagtatanim, yun nga lang kung private land naman ay iyon ang problema.., na kung ang kanilang munisipalidaf ay may espasyo pang pangsakahan ay kanilang pahihintulutan hangga’t kaya nilang magsaka o magtanim.
Sa pananaw ng ARYA.., napapanahon nang linawin ng LLDA kung ang lugar na inookupahan ng RLFC ay pag-aari ng LLDA o hindi.., upang maintindihan ng mga magsasaka kung may karapatan nga ba silang ipaglaban ang kanilang mga sinasakang lugar!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.